^

Punto Mo

EDITORYAL - Importasyon ng ­bigas tigil muna

Pang-masa
EDITORYAL - Importasyon ng ­bigas tigil muna

HINDI muna mag-iimport ng bigas ang Pilipinas sa loob ng 60-araw, ayon sa kautusan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. Layunin umano ng suspensiyon sa importasyon ng bigas ay para maprotektahan ang mga lokal na magsasaka habang may anihan. Kapag anihan, binabarat ng mga ganid na palay traders ang mga magsasaka. Masyadong mura kung bilhin ng palay traders ang aning palay. Wala namang magawa ang mga magsasaka sapagkat kailangan nila ng pera. Kumakapit sila sa patalim. Matagal nang nagdaranas nang pambabarat ang mga magsasaka sa palay traders at walang makuhang proteksiyon ang mga magsasaka sa pamahalaan. Maski ang Department of Agriculture ay walang magawa sa dinaranas ng magsasaka.

Nakapagtataka naman kung bakit anim na buwan lang ang suspension sa rice importation. Dapat mas mahaba pa para naman may pagkakataon ang mga magsasaka na maibenta sa mas mataas na halaga ang kanilang aning palay. Kung maaari ay isang taong suspension. Hindi naman kukulangin ang supply ng bigas dahil anihan. Nararapat irekomenda ito ng kalihim ng DA.

Malaking tulong sa mga magsasaka ang suspension ng rice importation dahil maitutulak nila sa mas mataas na presyo ang palay. Noong nakaraang anihan, P10 hanggang P15 per kilo lamang nila naibebenta ang palay. Dahil sa napakababang halaga, halos wala nang kinikita ang mga magsasaka. Barat na barat sila. Nagkautang-utang umano sila para makapagtanim at magpabunga ng palay at kapag naani na, bibilhin nang napakamura. Hindi raw makatarungan ang P10 per kilo ng palay.

Ang ginagawa ng palay traders sa mga kawawang magsasaka ay mariing binatikos ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG). Lubha naman anila ang ginagawang pambabarat ng palay traders. Ayon sa SINAG, dahil sa ginagawang ito ay baka mawalan na ng gana ang magsasaka para magtanim. Saan pupunta ang mga magsasaka kung mas mataas pa ang gastos sa produksiyon kaysa sa kanilang kinikita. Hindi naman daw dapat baratin ang ani ng mga magsasaka sapagkat gumastos sila nang malaki para rito at ang iba ay nalulubog pa sa utang.

May positibong epekto sa mga magsasaka ang suspensiyon ng rice importation. Kasabay nito, dapat din namang paigtingin ng DA sa pakikipagtulungan sa Bureau of Customs ang pagtugis sa rice smugglers at iba pang agri products. Mawawalan ng saysay ang suspensiyon sa rice importation kung babaha naman ang mga smuggled na bigas.

AMIHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with