Pinakamalaking scotch egg sa mundo, niluto ng dalawang British chef
MATAGUMPAY na naluto ng dalawang social media chef sa United Kingdom ang pinakamalaking scotch egg sa buong mundo, na nagtala ng bigat na 17 pounds and 3.48 ounces (katumbas ng halos 7.8 kilo).
Ang tagumpay na ito ay opisyal na ngayong nakapagtala ng world record.
Ang mga chef na sina Phoenix Ross at Oli Paterson ay nag-collaborate sa Enfield, England, upang subukang lampasan ang previous Guinness record na 13 pounds 10 ounces, na hindi matalo sa loob ng halos 20 taon.
Upang makabuo ng napakalaking scotch egg, gumamit ng dalawang itlog ng ostrich. Ang scotch egg ay isang tradisyonal na pagkaing Briton na binubuo ng nilagang itlog na inilagay sa loob ng binilog na giniling na karne na ipinagulong sa breading at bread crumbs, at saka ipiniprito.
Inamin ng mga chef na bigo ang kanilang unang attempt matapos mawasak ang kanilang niluluto habang inaalis ito mula sa mainit na mantika.
Ang matagumpay na pangalawang attempt ay nagresulta sa isang scotch egg na may circumference na 31.3 pulgada. Matapos itong tikman, ipinahayag nina Ross at Paterson na itinago nila sa ref ang natirang bahagi upang gawing mga frozen breakfast burrito.
- Latest















