^

Punto Mo

EDITORYAL – Pagpapaikli sa kolehiyo

Pang-masa
EDITORYAL – Pagpapaikli sa kolehiyo

Sa United Kingdom, Canada at Australia ay ipinatutupad na ang mas maikling taon ng pag-aaral sa kolehiyo. Dito sa Pilipinas, maaring mangyari rin ang maikling taon sa kolehiyo—sa halip na apat na taon, magiging tatlo na lang.

Ito ay kung susuportahan ang panukalang batas ni Sen. Sherwin Gatchalian na Three-Year College Education (3CE) Act. Sa ilalim ng panukala, tatlong taon na lamang ang bubunuin ng mga estudyante sa kolehiyo. Nakasaad sa panukala na pagpasok pa lamang ng mga estudyante sa kolehiyo ay haharapin na agad nila sa unang taon ang major subject ng course. Iyon agad ang pag-aaralan nila at nakapokus sa napili nilang field.

Sa dating apat na taon na kurso, ang dalawang taon ay nakapokus sa mga subject na kadalasan ay walang kinalaman sa course na nais ng estudyante. At pagsapit pa lamang ng third year saka haharapin ang major subjects. Sabi ni Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, “Noong nagdagdag tayo ng dalawang taon sa high school, ipina­ngako natin sa ating mga kababayan na iikli ang panahong kailangang ­ilaan sa kolehiyo. Panahon na upang tuparin ang pangakong ito.”

Ayon kay Gatchalian, ang mga general education course ay isasama na sa senior high school para matiyak ang kahandaan ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Layunin din na mabigyan ng mas mara­ming panahon ang internship at advanced specialization.

Napapanahon na para maipatupad ang mas ­maikling taon sa kolehiyo. Sa ganitong sistema, maaaring maiwasan na ang pagpapalit-palit ng kurso ng mga estudyante. Dahil nga nakapokus agad ang unang taon sa major subjects, matutuon dito ang interes ng estudyante. Wala nang paliguy-ligoy pa o aagaw sa atensiyon ng estudyante na mga subjects na walang kinalaman sa kanilang napiling course.

Kung mapaiikli ang pag-aaral sa kolehiyo, magiging mabilis ang paghanap ng trabaho ng mga magtatapos. Mababawasan din ang gastos ng mga magulang dahil iikli ang taon ng pag-aaral.

Kapag naisabatas ang panukala, maaaring magkaroon na ng tamang landas ang edukasyon sa bansa. Masakit mang sabihin, ang kasalukuyang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay nagpalubha sa kawalang kalidad. Marami sa mga estudyante ang nagtatapos na walang nalalaman.

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with