‘Kandado’ (Part 1)
MAHILIG akong mangulekta ng mga lumang kandado o padlock. Nagsimula ang pagkahilig ko sa pangungulekta ng kandado noong nasa high school ako.
Nakakita ako ng lumang kandado sa kalsada habang naglalakad patungo sa school. Pinulot ko. Kalawangin na ang kandado at halos hindi na gumagalaw ang lock.
Pag-uwi ko, nilinis ko ng gas ang kandado. Lumutang ang tunay na kulay. Ganunman, hindi na maalis sa pagkaka-lock.
Mula noon, kinahiligan ko nang mangulekta ng kandado. Kapag nakakita ako sa basurahan ng sirang pinto na may nakakabit na kandado, kinukuha ko.
Minsan, nakakita ako ng sirang hawla na may nakakabit na kandado, pinagtiyagaan kong alisin.
Hanggang sa makaipon ako ng mga kandado. Inilagay ko sa kahon ng sapatos ang mga kandado.
Nang makita nina Tatay at Nanay ang mga kandado ay nagtaka ang mga ito. Ano raw ang gagawin ko sa mga kinakalawang na kandado.
Sagot ko ay kinokolekta. Nasisiyahan ako sa pagkolekta ng mga iyon.
(Itutuloy)
- Latest















