^

Punto Mo

‘Saging’ (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Saging ang eeksperimentuhin ko, Sister?” tanong ko sa aking kapatid na bunso na si Nenet. Agriculturist si Nenet at siya na ang namamahala sa malawak na ­sagingan na pinundar ni Itay. Si Itay ay matanda na at hindi na kayang i-supervise ang sagingan.

“’Yan ay kung gusto mo at hindi laban sa kalooban mo, Kuya Arnel. Alam ko naman na nun pa ay laban sa kalooban mo ang may kaugnayan sa saging. Sabi mo pa nga ay hindi ka yayaman sa pagtatanim ng saging.”

Hindi ako makasagot kay Nenet. Totoo naman ang sinabi niya—wala talaga akong paniwala na magdadala sa akin ng suwerte ang saging.

“Mahirap kung pipilitin kita sa bagay na hindi mo gusto at walang puwang sa puso mo,” sabi pa ni Nenet.

“Ano ba ang dapat kong i-experiment sa saging, Sister?”

“Marami kasi akong nare-reject na saging na saba kapag kinukuha ng dealer. Kadalasan ay nahihinog at nabubulok na lang. Naisip ko, bakit hindi mo gawing banana chips ang mga reject. Tutal naman at marunong kang magluto. Di ba nung tinedyer pa tayo, ikaw ang nagluluto ng ating lunch at dinadala mo sa amin sa bundok. Ikaw ang tagaluto at tagadeliber dahil hindi mo kayang magtanim ng suwi ng saging. Palagay ko naman ngayon ay hindi ka mahihirapan kung gagawa ka ng banana chips at iba pang products na gawa sa saging.”

Napapalakpak ako sa ideya ni Nenet.

“Ganda ng ideya mo, Sister! Kaya ko ang sinabi mo.”

“O e di umpisahan mo na ang banana chips at bakasakali, ito ang magpayaman sa’yo.”

(Itutuloy)

SAGING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with