^

Punto Mo

‘Saging’ (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

DAHIL hindi ko gusto ang trabahong pagtatanim ng saging, naging pabaya ako at hindi sinusunod ang mga utos ni Itay. Kapag nagtatanim ako ng saging ay bahagya ko na lamang hinuhukay ang lupa at saka itatanim ang suwi.

Nang ininspeksiyon ni Itay ang mga itinanim kong suwi ay natuklasan niya ang hindi maayos na pagkakatanim. Itinulak ni Itay ang isang suwi na itinanim ko at natumba iyon. Parang ipinatong lamang sa lupa kaya madaling bumagsak.

Kinausap ako nang masinsinan ni Itay.

“Nahihirapan ka ba sa pagtatanin ng saging Dolfo?’’ tanong nito habang nakahawak sa balikat ko.

“Opo Itay. Wala po sa puso ko ang pagtatanim ng saging. Hindi ko talaga mahal ang trabahong yan.”
“Sige, ikaw na lamang ang magluto at maghatid sa amin ng pagkain dito sa bundok—tulungan mo ang iyog inay sa paghahanda ng pagkain.”

“Opo Itay.’’

Mula noon ay hindi na ako nagtanim ng saging at tinulungan ko na lamang si Inay at ang tatlo kong kapatid na babae. Ako na rin ang naghahatid ng pagkain para sa tanghalian at meryenda sa hapon.

Tamang-tama naman dahil may nalalaman na akong kaunti sa pagluto. Tinuruan ako ni Inay. Mga halu-halong gulay ang iniluluto ko na may partner na pritong galunggong.

Hanggang sa magbunga na ang aming mga saging at napakinabangan. Nakapag-aral kaming magkakapatid dahil sa pagbebenta ng aning saging.

Pero sa kabila niyon, nakikita ko pa rin ang saging na hindi makapagpapaunlad sa buhay—hindi magdudulot ng pagyaman.

(Itutuloy)

SAGING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with