^

Punto Mo

Florcerfida (44)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SAANG probinsiya si Cerille, Mak?” tanong

“Kung hindi ako nagkakamali ay taga-Batangas si Cerille.”

“Ano naman ang papel ni Cerille sa negosyong Thai lottery?”

“Siya ang naghahanap ng mga encoders. Kailangang ma-encode ang lahat ng taya.”

“So marami palang Pinoy na nagkaroon ng part time dahil sa negosyo nilang Thai Lottery?”

“Oo. Tuwing akinse at katapusan, maraming nagkakaroon ng part time job. Five hundred riyals ang bayad sa encoder.”

“Aba malaki.”

“Oo. Nakaipon nga ng pera ang encoders.”

“So yun ang trabaho ni Cerille. E paano naman siya nagkaroon ng partisipasyon sa pagpatay nang dahan-dahan kay Dong. Kung si Florenz ang naghanda ng kemikal na ipinaiinom kay Dong, ano ang ginawa ni Cerille?”

“Siya ang kumumbinsi kay Dong na maglaro ng ­madyong at tong-its sa kuwarto niya. Ang pinaglalaruan ng madyong ay palipat-lipat—kay Florenz at Cerille. Ang kuwarto nila, pina-double nila ang pinto para hindi marinig ang paghahalo ng madyong.”

“Taga-kumbinsi pala si Cerille.”

“Siya ang taga-kaon sa mga maglalaro.”

“Talagang pawang sugal ang lakad nila ano?”

“Oo. Umiikot ang buhay nila sa sugal.”

(Itutuloy)

MAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with