^

Punto Mo

Sino ang dapat idemanda?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Sino po ang dapat idemanda para sa tumalbog na tseke na inisyu ng dati kong kompanya para sa aking separation pay? — Melania

Dear Melania,

Kung ang layunin ng iyong paghahain ng kaso ay para makuha ang iyong separation pay, ang kompanya mismo ang dapat mong habulin. Maaari itong isampa bilang money claims sa National Labor Relations Commission (NLRC).

Subalit kung ang hangad mo ay papanagutin ang may sala para sa tsekeng tumalbog, kinakailangan mong magsampa ng kriminal na kaso alinsunod sa Batas Pambansa Blg. 22 (BP 22).

Ayon sa Seksiyon 1 ng BP 22, kapag ang tseke ay inisyu sa ilalim ng pangalan ng isang korporasyon o kompanya, ang taong aktwal na pumirma sa tseke ang papanagutin sa ilalim ng nasabing batas.

Nakasaad dito: “[W]here the check is drawn by a corporation, company or entity, the person or persons who actually signed the check on behalf of such drawer shall be liable under this Act.”

Samakatuwid, kung ang layunin ng iyong demanda ay ang makuha ang iyong separation pay, ang kompanya ang nararapat mong papanagutin sa NLRC.

Kung ang demanda naman ay ukol sa krimen ng pag i-isyu ng tumalbog na tseke, ang indibidwal na pumirma sa tseke ang dapat mong sampahan ng criminal case sa ilalim ng BP 22.

BOUNCING CHECK LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with