^

Punto Mo

STEM: Alternatibo para sa mga estudyante

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

Isinusulong ng Department of Science and Technology (DOST) sa mga estudyanteng nakatakdang pumasok sa kolehiyo ang mga kursong may kaugnayan sa Science, Technology, Engineering at Mathematics (STEM).

Karaniwan kasing mahirap para sa mga kabataang ­estudyante ang pagdedesisyon sa kanilang pag-aaralan sa kolehiyo lalo pa at nakasalalay dito ang kanilang kinabukasan maliban na lang kung maaga pa lang ay meron na silang malinaw at matagal nang idea, interes, hilig, pangarap o hangarin sa buhay na ­nagiging basihan ng pagpili sa papasukan nilang kurso.

Isa sa mga alternatibong ito ang kursong STEM na puwedeng ikonsidera ng mga high school graduate kung meron silang oportunidad na makapag-aral sa kolehiyo. Idiniin ng DOST ­Science Education Institute na ang STEM ay hindi lang para sa mga estudyanteng matataas ang grades at hindi lang naman mga scientist at engineer ang nagkakaroon ng karera o propesyon kaugnay sa mga araling ito.

Sa mga kursong ito, napapaunlad ng mga estudyante ang kanilang critical thinking, problem-solving skills at creativity. Malaki ang sahod sa mga trabahong may kaugnayan sa mga larangang nasa ilalim ng STEM batay sa ilang datos ng Philippine Statistics Authority.

Kabilang sa mga karerang mapapasukan sa ilalim ng STEM ang (Science) biologist, chemist, environmental scientist, medical specialist, pharmacologist, food scientist, forensic scientist; (Technology) software developer, data scientist, cybersecurity analyst, web developer, IT auditor, computer network architect; (Engineering) civil engineer, mechanical engineer, electrical engineer, chemical engineer, biomedical engineer at computer engineer.

Mga halimbawa lang ito dahil napakalawak ng STEM at napakarami pang ibang mapagpipiliang propesyon dito. Nagbibigay din ito ng mahahalagang oportunidad depende sa interes ng isang indibidwal na nag-aral ng alinman sa mga kursong ito.

Depende rin ito sa sitwasyon o hangarin ng mga estudyanteng mag-aaral ng mga kursong STEM pero malaki rin ang tsansa nila kung nais nilang isulong ang kanilang karera sa ibang bansa. Marami ring mga Pilipino na nagtapos ng mga kursong STEM na naging matagumpay at kinilala sa kanilang propesyon sa ibayong-dagat.

Nagbibigay din ang DOST-SEI ng undergraduate, master’s, at doctorate scholarship programs dito sa Pilipinas o sa ibang bansa. Mula noong 2018 hanggang 2024, may kabuuang 263,000 undergraduate students ang sinuportahan ng ahensiya; 26,910 ang kumuha ng master’s scholarship programs; at 6,330 scholars ang nakakumpleto ng kanilang doctorate sa pamamagitan ng tulong ng DOST.

Para sa mga estudyanteng interesado sa ganitong scholarship, maaaring tignan ang website sa internet ng DOST-SEI na (https://sei.dost.gov.ph/) at sundan ang kanilang Facebook page sa https://www.facebook.com/DOST.SEI para sa dagdag na impormasyon.

-oooooo-

Email: [email protected]

DOST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with