^

Punto Mo

Gen. Tuaño, ­nag-harvest ng droga at loose firearms!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Patuloy lang ang paglilinis ni PRO6 director Brig. Gen. Randulf Tuaño sa mga kalye sa Western Visayas ng droga at loose firerarms para mapanatiling ligtas at mapayapa ang komunidad. Mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 30 nakakumpiska ang mga operatiba ni Tuano ng aabot sa P72 milyong halaga ng shabu, kush, at marijuana samantalang may 241 loose firearms at explosives ang napasakamay ng kapulisan mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 15. Binigyan kredito ni Tuano ang tagumpay na nakamtan ng PRO6 sa mahigpit na pakikipagtulungan ng pulisya at komunidad. Dipugaaaaa! “Ang seguridad ng komunidad ay responsibilidad nating lahat. Huwag nating hintayin na may mangyari ng krimen bago tayo kumilos. Magtulungan tayo,” ang panawagan ni Tuano sa mga kapwa ko Bisaya. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Batay sa accomplishment report, nagsagawa ang PRO6 ng 228 law enforcement operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng 17 indibidwal, pagkakakumpiska ng 16 na baril, boluntaryong pagsuko o turnover ng 183 baril, at pagdeposito ng 12 baril para sa safekeeping. Naitala rin sa kampanya ang boluntaryong pagsuko ng 30 explosive items, na nagpapakita ng patuloy na pakikiisa ng publiko sa pagsusulong ng kapayapaan at kaligtasan ng komunidad. “Hindi lang ito parte ng pagkumpiska at surrender ng mga baril, dahil ang importante mas ligtas ang taumbayan kapag walang armas at droga sa kalye,” ani Tuano. Patuloy lang ang pagkumpas ni Tuano ng kamay na bakal n’ya, hindi lang laban sa loose firearms at droga, kundi maging sa iba pang kriminalidad. Sanamagan! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa kampanya naman vs droga, nagsagawa ang PRO6 ng 128 anti-illegal drug operations sa buwan ng Hunyo at nagresulta sa pagkaaresto ng 162 drug personalities, kabilang na rito ang 63 high-value targets. Nakumpiska ang humigit-kumulang 10,561.29 gramo ng shabu, 355 gramo ng kush, at 141.96 gramo ng marijuana, na may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na P72,366,307.20. “Ang mga bilang na ito ay hindi lamang sukatan ng mga operasyong naisagawa. Ang mga ito ay kumakatawan sa mga droga na hindi na makapipinsala sa mga komunidad, mga krimeng naagapan bago pa makabiktima ng mga inosenteng mamamayan, at mas ligtas na kapaligiran para sa bawat pamilya sa Kanlurang Visayas,” ani Tuano. Sal-it! Abangan!

FIREARMS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with