Healthy food tricks
• Maglagay ng isang kurot na asin sa inyong kape para mabawasan ang pait at maprotektahan ang stomach lining.
• Maglagay ng kalahati o hanggang dalawang kutsarita ng cinnamon powder sa mismong kanin o sa bigas na isasaing bago ito lutuin upang maiwasan ang pagtaas ng blood sugar at bumilis ang metabolism.
• Maghalo ng lemon sa karneng lulutuin upang mabilis masipsip ng katawan ang iron na taglay ng karne. Ang iron ay tumutulong upang matanggal ang pagod at manumbalik ang energy ng katawan.
• Mas malaki ang makukuhang pakinabang sa garlic na ngunguyain kung ito ay ibabad muna sa honey. Nagpapalakas ito ng immunity laban sa infection.
• Mabilis na masisipsip ng katawan ang cucurmin mula sa turmeric kung hahaluan ito ng black pepper sa bawat lutuin o kung iinom ng turmeric tea. Ihalo ang one-fourth teaspoon na black pepper for every one teaspoon of turmeric. Ang cucurmin ay sustansiya mula sa turmeric na may antioxidant at anti-inflammatory properties. Kung umiinom ng gamot na nagpapalabnaw ng dugo, hindi ito para sa inyo.
• Palamigin muna ang nilagang patatas o camote bago kainin upang di masipsip ng katawan ang starch na nagpapataas ng blood sugar.
• Ang pag-inom ng cider vinegar before meal ay nagpapabilis ng digestion at nagpapababa ng blood sugar. Sa isang basong tubig, maghalo ng one or two tablespoons cider vinegar. Inumin 20 minutes before meal.
- Latest