Silent majority ang bibiyak sa puwersa nina BBM at Digong
LUMUTANG na ang puwersa ng Diehard Duterte Supporters (DDS) matapos na hulihin at ipiit si dating Presidente Digong Duterte sa The Hague, Netherland. Naglunsad ang mga DDS ng protesta sa pigura ng prayer rallies sa ilang dako ng bansa.
Dapat lamang na samantalahin ito ng mga kandidato ng PDP bilang oposisyon dahil nakapako ang atensiyon ng mamamayan sa pagiging mistulang api ng kanilang idolo. Vote of sympathy para sa PDP. Let’s see!
Sinabi ni Ping Lacson nang kapanayamin ng mga media sa Tacloban, malaki ang magiging epekto ng mga pangyayari sa grupo nila na mga kandidatong senador ng administrasyon.
May daga rin pala sa dibdib si Ping, ha-ha-ha!
Sa nilalaman ng kasong crimes against humanity ni Digong sa ICC, 43 lamang na kaso ang nakapaloob na ikinalungkot ng mga kaanak ng mga biktima ng war on drugs. May mainit na buwelta ‘yan na hindi alam ni Ping.
Kabilang lamang sa haharaping kaso ni Digong ang 19 na pinatay diumano ng Davao Death Squad noong mayor pa ito ng Davao City at 24 naman ang naragdag ng Presidente na ito. Hindi pa kasali ang 27,000 na diumano’y “natokhang”. Maraming observers na “silent voters” ang lilikhain n’yan!
Kung labanan ng barubalan ang maghahari sa usapin ng pulitika para sa 2025 election, siguradong magtatamasa ng milyong “blackeye” mula sa mga taong galit sa EJK. Sila ang bubuo ng “silent majority” kapag inayudahan pa ito ng kaparian ng simbahang katoliko.
Kung sa akala naman ng kampo ni BBM ay papabor sa kanila ang kilos hinaing ng mga biktima at symphatizers ng EJK, baka magkamali sila r’yan. Sa pagmulat ng “silent majority” ay baka bumahagi nang maayos ang mga antigong Liberal-Pinklawans sa upuan ng Senado. Andyan na si Leni, umiikot na!
- Latest