^

Punto Mo

‘Pala’ (Part 6)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

“Hindi ka ba nahirapan sa pinagawa ni Mam Socorro, Juanito?’’ tanong ni Itay habang nagpapahinga sa ilalim ng punong banaba.

“Hindi po Itay. Mabilis lang naman ang pinagagawa ni Mam—huhukayin ang mga tuod at saka iipunin at sisilaban. Ayan po at malapit ko nang matapos. Baka bukas ay masisimulan ko na ang pagdukal para sa gusto niyang vegetable garden. Malambot po ang lupa, Itay!’’

“Kasi nga dating umaapaw sa bahaging ito ang tubig mula sa balon kaya malambot. Nakababad sa tubig. Pero nang wala nang nagmi-maintain sa lupa, napabayaan na rin ang balon kaya nakatihan ng tubig,’’ sabi ni Itay.

“Ah kaya pala ang sabi ni Mam ay hukayin din ang balon.”

“Oo. Pero huwag mong gagawing mag-isa ang paghukay sa balon at baka hindi ka makahinga sa ilalim. Katulungin mo ang iyong kapatid. Magtali ka sa baywang kapag bababa ka sa balon.’’
“Opo Itay. Sabi naman ni Danilo tutulong siya sa akin. Gusto rin daw niyang kumita.”

“Pagbalik ni Mam Socorro ay tiyak na babayaran ka sa ginawa mo sa lupa. Matutuwa yun dahil malinis na malinis na.’’

“Tamang-tama Itay ang pagkakapulot ko sa pala—biglang may dumating na pagkakakitaan.”

“Sabi ko nga sa’yo Juanito, ang napupulot na pala ay may dalang suwerte. Kaya iingatan mo ang pala.’’

“Opo Itay, iniingatan ko ang pala. Pero para pong napakatibay ng pala dahil hindi man lang nayuyupi kapag ipinanghuhukay ko.’’

“Sinaunang pala kasi kaya matigas ang bakal.’’

“Saan kaya gawa ang pala, Itay at ganun katibay?’’

“Baka Germany o United States—matibay ang imported.’’

“Suwerte pala talaga ang pala.’’

MAKALIPAS ang dalawang araw, dumating ang mayamang may-ari ng lupa na si Mam Socorro.

Tuwang-tuwa ito nang makita na malinis na malinis at mayroon nang vegetable garden sa kanyang lupa.

“Ang ganda Juanito! Ikaw lang ba ang nagtrabaho nito?” tanong nito.

“Opo Mam.’’

Hindi ko inaasahan ang ibinigay ni Mam Socorro!

(Itutuloy)

PALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with