^

Punto Mo

Good Manners and Right Conduct

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

MAY batas tayo na nagtatadhana ng mga aralin tungkol sa Good Manners and Right Conduct (GMRC) at Values Education sa K to 12 curriculum. Layon nito na palakasin ang moralidad ng mga estudyanteng Pilipino upang makalikha ng mga mamamayang maka-Diyos, makatao, makakalikasan at makabansa.

Naalala ko noong araw na ako’y nasa elementarya, ang nasa unahan ng listahan ng mga grado ay ang GMRC. Kapag mababa ang grado rito ng estudyante, kahit mataas ang mga grado niya sa academics, ituturing siya na may malaking problema.

Sa kasalukuyan, tila wala nang masyadong pagpapahalaga ang lipunang Pilipino sa GMRC at sa values. Sadsad ang ating moralidad at value system. Ang malungkot, ang matataas na opisyales pa ng gobyerno ang walang good manners and right conduct, sa halip na maging modelo ng kabutihang-asal at mabuting pagkatao.

At ang mga karaniwang mamamayan naman, tila tanggap na ang kawalang-modo at kagaspangan ng pag-uugali ng mga nasa poder.  Hindi na ito isyu sa halalan.

Dati, bihira kang makakarinig ng matataas na opisyales ng gobyerno na sa harap ng publiko ay nagmumura, nang-iinsulto ng kapwa, at nagbabanta ng karahasan laban sa katunggali sa pulitika. Kapag may gumawa nito, siguradong ang gumawa ay kukundinahin ng publiko at maaaring iyon na ang katapusan ng kanyang political career.

Pero ngayon, Diyos na ang minura ay nananatili pa ring popular. Nang-insulto na’t ­nambugbog ay mabango pa rin sa tao. Napakaraming nabulgar na kalokohan, pero nangunguna pa rin sa mga survey.

Para sa akin, ang higit na malaking problema natin ngayon ay hindi ang poverty of ­eco­no­mics, kundi ang poverty of values. Mas matinding kawalan ang kawalan ng pagpapahalaga sa mabubuting bagay. Mas masahol na kahirapan ang kahirapan sa maayos na pag-uugali.

Panipis nang panipis ang moral fiber ng ating lipunan—ito ang determinasyon na gawin kung ano ang pinaniniwalaang tama kahit na mangahulugan ng pagsasakripisyo. Tila ang mas nahihiya pa ngayon ay ang mga gumagawa ng mabuti, samantalang namamayagpag ang mga gumagawa ng masama.

Nakapagtataka kung saan kumukuha ng kapal ng mukha ang mga lider na hindi pa rin umaamin sa ginawang kasalanan sa bayan kahit bistadung-bistado na. Naging kaalyado ng mga ganitong lider ang social media na dominado ng mga fake news at deep fakes. Tila pakonti nang pakonti ang mga lider pulitikal na marunong mahiya.

Sa darating na eleksiyon, mangangarap na naman tayo na sana ang mananalo ay ang mga taong karapat-dapat sa mga posisyong kanilang tinatakbuhan. Para sa lehislatibo, nangangarap tayo na ang mga mahahalal ay ang mga kandidatong may malawak na kaalaman at karanasan sa paggawa ng batas. Para sa ehekutibo, nangangarap tayo na ang mga mahahalal ay mga kandidatong maalam sa pamamahala.

Nangangarap tayo na sana’y magkaroon nang malawakang pagbabago sa uri ng mga lider na maluluklok sa iba’t ibang pwesto para mapigilan ang pagbagsak ng Pilipinas.

Pero para sa akin, gusto ko na lamang pangarapin ‘yung pinaka-basic—na ang mahahalal natin ay mga kandidatong may good manners and right conduct, may delicadeza –sa madaling salita, mga kandidatong marunong mahiya. Sa balota mo nakasalalay ang katuparan ng simpleng pangarap na iyan. Dalangin ko, mag-isip kang mabuti at gawin mong sagrado ang iyong balota!

GOOD MANNERS AND RIGHT CONDUCT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with