Sa iyong pagninilay-nilay...
1. Huwag mong asahan na kasinggaling mo sila.
2. Hindi lahat ng pagkakataon ay sasang-ayon sila sa opinyon mo.
3. Huwag umasa na mababasa nila ang nasa isip mo.
4. Hindi lahat ng pagkakataon ay mauunawan ka nila.
5. Huwag umasa na may susuporta lagi sa iyong mga ginagawa.
6. Huwag umasa na tatratuhin ka nila kagaya ng pagtrato mo sa kanila.
7. Huwag umasa na ang ugali nila noon ay ugali pa rin nila ngayon.
8. Huwag umasa na ang taong tinulungan mo ay tutulong sa iyo kapag ikaw naman ang nangailangan.
9. Huwag umasa na mamahalin ka kung hindi ka naman marunong magmahal.
10. Huwag umasang bibilib sa iyo ang ibang tao kung ikaw mismo ay walang tiwala sa sarili mong kakayahan.
11. Huwag umasang papayuhan ka nila kung ano dapat ang gawin mo sa iyong buhay kung ikaw mismo ay hindi alam kung saan direksiyon pupunta.
12. Huwag iasa ang iyong buhay sa mga anak pagtanda mo. Ang pinakamabuting gawin ay mag-ipon at planuhin ang gagawin pagtanda mo. Kung alagaan ka nila, bonus iyon at magpasalamat ka.
13. Huwag umasa na patatawarin ka ng taong pinagkasalahan mo. Basta’t humingi ng tawad nang walang inaasahan.
14. Huwag umasang gagaling ang pamamahala ng gobyerno kung karamihan sa botante ay pulos bobo.
15. Huwag umasa at iboto ang mga kandidatong walang alam kundi magbutas ng silya tuwing plenary session at umiingay lang tuwing halalan.
- Latest




















