^

Punto Mo

EDITORYAL — 7 milyong ektarya ng kagubatan, hubad na!

Pang-masa
EDITORYAL — 7 milyong ektarya ng kagubatan, hubad na!

MAY kabuuang 15 milyong ektarya ng ­kagubatan sa bansa subalit kalahati na lamang nito o pitong milyong ektarya na lamang ang may mga ­punongkahoy. Hubad na hubad na ang mga ­pinagsamantalahang kagubatan!

Sinabi mismo ito ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga noong Linggo sa isang press conference. Sabi ni Loyzaga, target ng kanyang tanggapan na madagdagan ang forested lands—mula sa pitong ektarya ay gagawing 10 ektarya pagsapit ng 2028. Ginagawa na umano ng DENR ang lahat para mataniman ng kahoy ang mga classified forest lands sa ilalim ng National Greening Program.

Noong nakaraang taon, sinimulan na umano nila ang mapping out ng 1.2 ektaryang kagubatan at bubuksan ito sa mga tao at mga organisasyon para ma-reforest.

Ang plano ng DENR ay walang ipinagkaiba sa mga sinabi na noong Hunyo 27, 2023 at Agosto 7, 2024. Pawang reforestation din ang sinabi sapagkat ang 15 milyong ektarya na klasipikadong forest lands ay pitong milyong ektarya na lamang ang may mga puno. Malaking bahagi ng kagubatan sa buong bansa ay wala nang mga puno at malaki ang posibilidad na magkaroon ng soil erosion.

Ang malaking katanungan ngayon ay kung ­naisagawa na ang sinasabi ng DENR na ­pagtatanim ng mga puno o ito ay nananatili pa lang balak. May nataniman na nga kayang mga hubad na ­kagubatan? May mga nagawa na bang paraan para ­mapangalagaan ang kagubatan laban sa illegal ­loggers. Sa kasalukuyan, patuloy ang pagputol ng mga punongkahoy sa kabundukan at ito ang dahilan kaya may pagbaha sa maraming lugar sa bansa.

Nang bumaha sa Laurel at Agoncillo, Batangas noong Nobyembre 2024 dahil sa Bagyong Kristine, naghambalang ang mga troso sa kalsada. Sa pag-anod ng mga kahoy, hindi maikakaila ang illegal logging activities sa Batangas.

Patuloy din ang illegal mining na sumisira sa kabundukan. Ang pagmimina sa Brookespoint, Palawan ng dalawang mining companies doon ang dahilan kaya nahubaran ang Mt. Mantalingahan. Matagal nang nagrereklamo ang mga residente sa ginagawang pagmimina subalit hindi sila pinakikinggan. Ang minahan ay sinuspindi na noon ni dating DENR Sec. Gina Lopez subalit pinagpatuloy ng mga sumunod na kalihim. Lalo nang nawalan ng pag-asa ang mga residente sa Brookespoint.

Ang pagkilos ni Loyzaga laban sa mga sumisira sa kagubatan ay nararapat simulan. Unahin ang mga lapastangan sapagkat mawawalan ng kuwenta ang pagtatanim ng mga punongkahoy kung hahayaan ang pagmimina, illegal logging, quarrying at iba pang illegal na gawain sa mga kabundukan.

FOREST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with