^

Punto Mo

Koneksiyon ng ugali mo sa iyong phobia (2)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Kung takot sa dilim

Ang katotohanan mas takot ka kung ano ang nagtatago sa dilim at hindi sa dilim mismo. Mag-iimadyin ka ng kung anu-anong nakakatakot na creatures na maaaring nagtatago sa dilim. Ayon sa psychologist, ang duwag sa dilim ay may mahusay na malikhaing isipan. Karamihan sa kanila ay manunulat, designers, artists at iba ibang talent na nangangailangan ng mayamang imahinasyon. Upang mabawasan ang takot sa dilim, iwasang manood ng horror movies.

Kung takot kang mabigo

Sila ‘yung mga taong nag-uumpisa pa lang gawin ang project ay nakakadama na ng takot na baka sila mabigo. Kaya ang resulta ay natatakot sila sa pagbabago or natatakot na lumabas sa comfort zone. Ang resulta ay hindi umuunlad ang kanilang pagkatao. Sila ang laging naghahanap ng love and acceptance. People pleaser sila dahil ayaw nilang ma-dissapoint ang ibang tao sa kanila.

Kung takot ka sa germs

Malinis sa paligid ang mga taong may ganitong klaseng takot. Dulot nito, sila ay metikulosa, organized at detail-oriented sa kanilang trabaho na isang kapuri-puring ugali ng empleyado na gustung-gusto ng mga boss. Ang disadvantage lang, mataas ang level ng kanilang anxiety dahil kaunting problema lang ay nasa panic mode na agad sila, na masama sa kanilang mental health.

PHOBIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with