^

Punto Mo

‘Kutsara’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGPATULOY ang pagkolekta ko ng iba’t ibang klase ng kutsara. Minsang nag-reunion kami ng aking mga kaklase sa high school ay hindi ko rin napigil ang sarili na kumuha ng kutsara bilang remembrance o souvenir. 

Ginanap ang aming reunion sa isang resort sa Laguna. Namataan ko agad ang mga kutsara na gold plated. Pagkatapos kumain, pasimple kong binalot sa tissue ang kutsara at sinilid sa aking sling bag. Masaya akong umuwi dahil nakakuha na naman ako ng kutsara at nadagdag sa koleksiyon.

Pero may pagkakataon na “zero” ako sa “pagdagit” ng kutsara kaya laglag ang balikat ko nang umuwi.

Gaya minsan na nagkayayaan kami ng mga kasamahan ko sa trabaho na kumain sa isang sikat na resort sa Quezon. Hindi ko inaasahan, na “kamayan” pala ang napuntahan namin. Walang gagamiting kutsara kundi “mano-mano” ang subo. Malungkot akong umuwi dahil walang nakuhang remembrance na kutsara sa dinaluhang kainan.

Nang una akong makasakay ng eroplano, pati kutsara roon ay “dinagit” ko. Talagang hindi ko mapigil ang sarili na hindi makakuha ng souvenir na kutsara.

Ngayong senior citizen na ako at binabalikan ang mga nakaraang pangyayari na may kaugnayan sa kutsara ay napapailing ako.

Malalim ang dahilan kaya ako nagkaroon nang attachment sa kutsara.

(Itutuloy)

SPOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with