^

Punto Mo

Namatay ako pero muling nabuhay

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Kuwento ng near-death experience ng isang kakilala. Bago ang heart attack, naaalala ko pa na sobrang hapong-hapo ako pagkatapos kong umakyat sa overpass ng Quiapo. Mula sa Sampaloc ay dumadayo pa ako sa Quiapo para sumakay sa bus na biyaheng Ayala Avenue kung saan ako nag-oopisina.

Pag-upo ko sa bus, naramdaman kong tila may nakapatong na hollow blocks sa aking dibdib. Ang sama ng pakiramdam ko. Para akong masusuka na may kasabay na sakit ng tiyan. Sa tantiya ko ay hindi ko kayang pumasok ng trabaho kaya nagpasya akong umuwi na lang sa aming bahay. Buti na lang at nagpupuno pa ng pasahero ang bus kaya hindi pa umaalis. Kaagad akong bumaba.

Naghanap ako ng pay phone sa isang restaurant ng intsik para tumawag sa bahay at magpasundo. Umorder ako ng mainit na mami para may mahigop na puwedeng magtanggal ng sakit ng tiyan. Paraan na rin iyon upang kahit magtagal ako sa restaurant ay walang sisita sa akin. Doon sa restaurant na iyon ako nagpapasundo.

Wala pang 30 minuto ay naroon na ang aking tatay. Alalang-alala ito sa akin. Tumayo ako ngunit hindi ko na nagawang humakbang. Nag-black out na ako.

Mula sa isang malalim na pagtulog ay nagising akong lumalangoy. Lumalangoy ako sa loob ng isang malaking yelo. Nagtataka man ako sa aking sitwasyon, natatandaan ko’y walang pag-aalala akong nadadama. Nakalutang lamang ako sa tubig. Tapos bigla kong na-realized na ang kinaroroonan ko ay isang mahabang rectangular pool. Sa  kanang dulo ay may natanaw akong liwanag na may iba’t ibang kulay. ‘Yun nakikita mo sa kaleidoscope. Sa  kaliwang dulo naman ay madilim.

Unti-unting nagsi-sink in sa akin na nag-iisa ako. Bigla kong naisip na paano ako makakaalis sa lugar na iyon. Anong nangyayari sa akin? Bakit ako hubad? Nasaan ang aking damit? Pumikit ako upang magdasal at tulungan akong maunawaan ang nangyayari sa akin. Maya-maya’y parang pelikula na nag-flash back ang huling pangyayari—mula sa pagod na nadama ko sa pag-akyat sa overpass hanggang sa sunduin ako ng aking ama sa restaurant.

Naramdaman kong lumutang ako sa hangin mula sa pagkakalublob sa tubig. Nakapikit pa rin ako. Pinakikiramdaman ko kung anong nangyayari sa aking katawan. Bahagya akong nagulat dahil parang may humipo sa aking katawan.

Pagmulat ko ay mukha ni Tatay ang bumungad sa akin. Nag-iiyak ito. Kamay ng nurse na nagsi-CPR ang aking inakala na “may humipo” sa aking katawan.

Sabay-sabay na napasigaw ang nurse at doctor: “Nabuhay siya!”

Niyakap ako ng aking tatay. “Jeremy salamat sa Diyos, binuhay ka ulit Niya. Ilang minuto ka nang walang pulso!”

Simula noon, kapag nalaman ng ibang tao na dati akong namatay at muling nabuhay, ang lagi nilang itinatanong sa akin ay—nakita mo ba ang langit at Diyos or impiyerno? Tapos madi-disappoint sila kapag sinagot ko ng HINDI.

Siguro, kung hilig kong magpabida at gumawa ng isang fantasy stories: Mag-iimbento ako ng mga eksenang kunwa’y naranasan ko. Mabilis lang mag-imbento ng istorya. At iyon ang hinala ko sa ibang near-death experience ng ibang tao. Gawa-gawa lang ang mga eksenang ikinukuwento nila.

QUIAPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with