^

Punto Mo

POGO ban na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan na nga at tuluyan nang ipinagbawal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang POGO, epektibo kahapon.

Ito ang naging highlight ng kanyang ikatlong State of the Nation­ Address (SONA).

Inaasahan na hanggang sa matapos ang taon ay maisasaayos na ng PAGCOR ang tuluyang pagpapatalsik sa POGO sa bansa.

Nangako naman ang Pangulo na tutulungan ng gobyerno ang mga maaapektuhang mga tra­bahador na Pinoy.

Malakas kasi ang panawagan na tuluyan nang i-ban ang POGO sa bansa, dahil imbes nga na makatulong mistulang problema pa nga ang naidudulot nito.

Tumagal ng isang oras at kalahati ang speech ng Pangulo na makailang beses ding tumanggap ng standing ovation, partikular nang banggitin nito na hindi isusuko ng bansa ang West Philippine Sea (WPS) kasabay nga nang pagsasabing ‘Atin ito at mananatiling atin’.

Sa kabuuan, nasagot o nabigyang-paliwanag ni PBBM ang inaasahan ng marami.

Ang tugon sa inflation, kahirapan, edukàsyon, trabaho at iba pa.

Bagama’t may nagsasabing nakukulangan sila sa ulat ng Pangulo, asahan na yan

Ika nga ‘you can’t please all of the people all of the time’.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with