^

Punto Mo

Maid of Honor (234)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAHAL na kita noon pa, Yana. Huwag ka sanang magagalit,’’ sabi ni Ram habang nakatingin nang tuwid kay Yana.

“Ha? A e.’’

“Noon ko pa sana ito sasabihin kaya lang ay baka kung ano ang isipin mo kaya hindi ko muna ginawa. Pero nagpasya na akong sabihin dahil hindi ko na kayang itago.’’

Hindi pa rin makapagsalita si Yana at halatang nabigla siya sa pagtatapat ni Ram. Hindi niya inaasahan. Naisip ni Yana, kaya siya niyaya ni Ram na kumain dito ay magtatapat pala. Gusto nito ay nasa maayos na lugar gawin ang pagtatapat. Ayaw niyang magtapat habang naglalakad. Nagpapakita na mabuti ang intensiyon ni Ram sa kanya.

“Huwag kang magagalit sa akin, Yana,’’ sabing nagpapaumanhin ni Ram.

“Bakit naman ako magagalit?’’ sagot ni Yana.

Hindi nakakibo si Ram. Nakatingin lang kay Yana.

“May dapat ba akong ikagalit sa ginawa mo?’’

“Ibig mo bang sabihin, may damdamin ka rin sa akin?’’

“Ano sa palagay mo? Anong pakiramdam mo?’’

Natigilan si Ram.

Nang muling magsalita ay may taginting sa boses.

“Mahal mo rin ako, Yana?’’

“Oo.’’

“Talaga?’’

“Oo. Mahal na mahal!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with