^

Punto Mo

Maid of Honor (243)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Superyaman ang magiging mother-in-law ni Yana?’’ hindi makapaniwalang tanong ni Honor na kararating lang mula sa trabaho.

“Oo. Kaya ang sabi ko kay Yana ay huwag naman tayong kalilimutan kapag nakahiga na siya sa yaman.”

“Oo nga Yana. Baka malimutan mo kami ni Ate Bianca mo.”

“Hindi po, Kuya. Hindi ko po kayo malilimutan dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi ako makakapag-aral at hindi makikilala si Ram. Kayo pa ang naging daan kaya ako nakara­ting sa kinalalagyan ko ngayon. Malaki ang utang na loob ko sa inyong dalawa at hindi kailanman iyon mawawala sa isipan ko habang nabubuhay.”

Napangiti nang buong tamis sina Honor at Bianca. Maru­nong tumanaw nang utang na loob si Yana.

“E bakit naman napunta sa yaman ang topic n’yo?’’ tanong ni Honor.

“Kasi itong si Yana, isinama ng boyfriend niyang si Ram sa kanilang bahay at ipinakilala sa mommy niya. Gustung-gusto si Yana ng mommy ni Ram. Inaako ng mommy ang mga gastusin sa kanilang pagpapakasal pati ang panganganak at pati sa mga magiging apo. Bilyonarya pala ang mommy ni Ram. Pinamanahan nang maraming ari-arian at pera.’’

“Talaga?”

“At ang sabi pa, dun sa ­malaking bahay tumira sina Yana kapag kinasal sila ni Ram. Gusto raw ng mommy na ­maging masaya sa bahay.’’

“Talagang mayaman nga!’’

“At alam mo balak magbakasyon ni mommy next summer sa resort ni Inah. Gustong magtagal dun. Kagagaling lang sa sakit at gustong makasagap ng sariwang hangin sa dagat.’’

“Aba dapat magbakasyon din tayo sa resort ni Inah,’’ sabi ni Honor.

Sumali sa usapan si Yana.

“Opo magbabakasyon ta­yong lahat next summer Kuya.’’

“Wow! Sarap mag-beach!’’

“Sinabi ko na po kay Inah ang mga plano, Kuya.’’

“Tamang-tama, magkikita na rin kami ni Pareng Rocky. Ang tagal na naming di nagkita.’’

“Oo nga. Ano na kaya itsura ni Rocky?’’ tanong ni Bianca.

“Siguro balik na ang kaguwapuhan dahil kasama si Inah,’’ sabi ni Honor.

“Oo nga raw po, Kuya. Balik-sigla na si Kuya Rocky sabi ni Inah.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with