^

Punto Mo

EDITORYAL - Imported na bigas dagsa na naman

Pang-masa
EDITORYAL - Imported na bigas dagsa na naman

NGAYON ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand Marcos Jr. Sa nakaraan niyang dalawang SONA, binanggit niya ang pagpapabuti at pagpaparami ng ani ng mga magsasaka ng palay. Ano kaya ang bago niyang sasabihin na may kaugnayan sa bigas sa kanyang SONA?

Samantala, dumating noong Biyernes ang 35,594 metric tons ng imported na bigas. Ayon sa Department of Agriculture (DA) ang dumating na imported rice ay nasa ilalim ng ipinatutupad na mababang taripa o buwis na nakapaloob sa Executive Order No. 62 na inisyu ni President Marcos Jr. noong Hunyo. Sa pagdating ng imported rice, mababawasan daw ng P6 hanggang P7 ang presyo ng local na bigas. Samantala, ang local commercial special rice ay nagkakahalaga naman ng P56 at P65. Sa kabuuan, ang rice imports ng Pilipinas mula Enero hanggang Mayo ay umabot na sa 400,000 metriko tonelada. Ayon pa sa DA, may posibilidad na umangkat pa ng bigas ang bansa sa mga susunod na buwan.

Ang Pilipinas ang number one importer ng bigas sa buong mundo. Ikalawa ang Indonesia, pangatlo ang China at pang-apat ang European Union. Umaangkat ang Pilipinas sa Vietnam, Thailand, Pakistan at India.

Dati, ang Pilipinas ay nag-export na ng bigas noong 1968 hanggang 1970 at naulit noong 1977 hanggang 1980. Hindi na ito naipagpatuloy mula noon. Nagkaroon ng mga problema at hindi na sinubukan pang tugunan ng mga naging Presidente ng bansa. Hina­yaan nila na umasa na lamang sa pag-import ng bigas. Hindi na nila inugat ang problema kung bakit hindi makapag-produce nang sapat para sa pangangaila­ngan ng mamamayan. Hindi na sila nangarap maparami ang ani at nagdepende na sa imported na bigas.

Sinabi minsan ni Marcos Jr. na hindi niya matanggap na nag-aangkat ng bigas ang bansa lalo’t pa’t isang agrikultural na bansa. Sinabi niya ito noong 2022 nang maupong Presidente at nanungkulan ding Agriculture Secretary. Pinangako niya na magkakaroon ng pagbabago. Napabayaan aniya ang sector ng agrikultura ng mga nakaraang pamunuan. Tutulungan aniya ang mga magsasaka para dumami ang ani. Magsasagawa rin aniya ng farm to market road. Pero ikatlong SONA na niya at patuloy pang umaangkat ng bigas ang bansa.

Hindi lamang bigas ang dumadagsa sa bansa kundi pati mga imported na karneng manok. Masama ang loob ng local poultry raisers sapagkat apektado ang kanilang kinikita dahil sa imported na manok.

Lagi na lamang bang aasa sa imported na pagkain partikular ang bigas? Kailan makakatikim ng kanin mula sa palay na itinanim sa sariling lupa?

vuukle comment

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with