^

Punto Mo

Inaabangan sa SONA

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Inaabangan na ngayon ng taumbayan ang iuulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of Nation Address (SONA), mamaya.

Pero para sa nakakarami, ang taas pa rin sa sahod ang kanilang inaantabayanan na mabanggit ng Pangulo.

Nais ding malaman ng nakakaraming Pinoy ang mga hakbangin pa ng administrasyon kung paano malalabanan ang pagtaas ng presyo ng bilihin o inflation.

Kung mapapansin ng dalawang nabanggit ay may kinalaman sa kanilang pamumuhay isama pa dyan may kinalaman sa kalusugan.

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Station, hindi nga ba’t nasa 58 porsyento ng mga pamilyang Pinoy ang ikinukonsidera ang sarili na mahirap.

Tinatayang nasa 19 milyong pamilya ang nagsabing self-rated poor noong Hunyo 2024, mas mataas sa 12.9 milyon noong Marso 2024.

Nasa 12 porsyentong pamilya naman ang ikinokonsidera ang sarili na borderline poor, habang 30 porsyento ang hindi ikinukunsidera ang sarili na mahirap.

Ayon sa mga nagsabing sila ay mahirap, kailangan nila ng P15,000 monthly budget para hindi maikonsidera ang sarili na mahirap.

Umaasa sila na sa gagawing SONA kung ito ay mababanggit ni PBBM magkakaroon sila ng kahit kaunting pag-asa.

Bukod dyan inaabangan din siyembre ang iba pang highlight tuwing may SONA.

Ang mga kasuotan at pagrampa ng mga mambabatas, mga pagse - selfie, bilang ng pakakawalang palakpak.

Isama pa ang kaganapan sa labas ng pagdadausan ng SONA, siyempre ang mga kilos protesta.

Sa lahat ng ito dapat na mangibabaw ang kapakanan ng taumbayan.

Yan ng ating aantabayanan.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with