^

Punto Mo

Maid of Honor (188)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG mga sumunod pang araw ay lalong lumakas ang hinala ni Inah na may lihim na sumusubaybay sa kanya. Hindi naman sumusunod o yung tinatawag na stalker kundi yung laging nakamasid sa kanya.

Naghinala si Inah na maaaring turista na nakatuloy sa mga bahay na pinagawa niya at pinapanood siya sa bintana. Pero sa dami ng mga bahay-tuluyan sa beach, hindi niya alam kung nasaan nakatuloy ang sumusubaybay sa kanya. Mula nang dumagsa ang mga turista, nagpagawa nang maraming bahay-tuluyan si Inah. May pang-isahan at may pangmag-asawa at may sa buong pamilya. Isang buong bahay ang pinaookupa niya.

Nabanggit niya sa kanyang itay at inay ang napapansin.

“Kailangan siguro ay magpaguwardiya ka na. May mga kamag-anak naman tayong lalaki na puwedeng magbadigard sa‘yo,’’ sabi ng itay niya.

“Oo nga Inah. Baka may masamang balak sa’yo,’’ sabi ng Inay niya.

“Hindi naman siguro ganun,  Itay,  Inay. Baka naman nagkakamali ako. Kasi baka imahinasyon ko lang iyon.’’
“Pag-isipan mong mabuti, Inah. At siguro mag-hire ka na ng mga sekyu. Mas mabuti na ang sigurado.’’
“Sige Itay. Bukas kakausapin ko ang aking staff.’’

ISANG  hapon na naglalakad na naman si Inah, napakiramdaman niya na may sumusunod sa kanya.

Kinabahan siya.

Lalo siyang kinabahan nang may tumawag sa kanya.

“Inah!’’

Nang lumingon siya, hindi siya makapaniwala.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with