^

Punto Mo

Siraan nagsisimula na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

AYAN na nga’t mistulang nagsisimula na ang galawan sa pulitika ngayong malapit na ang eleksyon sa susunod na taon.

Nandyan na ang mga demolition hindi lang sa kanilang makakatunggali sa halalan, pati ang mangangasiwa sa halalan, hindi makakaligtas.

Ibinunyag kahapon ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia ang umano’y planong ipa-impeach ang mga opisyal ng poll body, simula sa kaniya.

Ayon pa sa COMELEC chief, ito ay may kinalaman ­hinggil sa mga alegasyong tumanggap siya ng suhol mula sa mga foreign banks, kabilang na ang bankong nakabase sa South Korea.

May planadong operasyon umano laban sa mga opisyal ng COMELEC.

Sa huli ay ang pag-file sa kanila ng impeachment.

Una nang humingi ng tulong si Garcia sa National Bureau of Investigation (NBI), upang imbestigahan ang mga kumakalat na ulat na mayroon siyang offshore bank accounts, na kaagad ring niyang pinabulaanan.

Tiniyak din niya sa kanyang liham kay NBI Director Jaime Santiago noong Hulyo 8, na “entirely false and baseless” ang akusasyon at handa siyang makipagtulungan sa gagawing imbestigasyon hinggil dito.

Magugunitang ibinunyag ng isang Kongresista na aabot sa halos P1 bilyong halaga ng pondo ang inilipat mula sa South Korean-based banks sa 49 offshore accounts na sinasabing sangkot sa isang opisyal ng COMELEC.

Lumagda na rin ng waiver si Garcia upang mabuksan ang kanyang mga bank accounts at nagsumite pa ng affidavit of denial sa mga alegasyong ibinabato laban sa kanya.

 

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with