^

Punto Mo

Ban sa mukbang tuloy pa ba?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon Bernardo - Pang-masa

Ano na ang nangyari sa balak ng Department of Health na ipagbawal ang kontrobersiyal na mukbang videos na isang palabas sa pagkain na napapanood sa  pamamagitan ng internet partikular sa social media? Maaaring pinag-aaralan pa rin ito ng DOH dahil kailangan ding isaalang-alang ang kalayaan sa pamamahayag at kalayaang kumita ng mga food vlogger na gumagawa ng ganitong mga palabas. Dumagdag sa kontro­bersiya ang pagkamatay ng isang food vlogger dahil sa stroke makaraang mag-mukbang.

Ang mukbang ay format ng palabas na nagmula sa South Korea. Pinagkakakitaan ito ng mga vlogger, host o prodyuser sa pamamagitan ng mga advertisement. Ayon sa mga tagapagtanggol ng mukbang, nakatutulong ito sa mga may sakit, mga walang ganang kumain at mga may problema sa pagkain.

Pero tinawag ni Health Secretary Teddy Herbosa na tila pornograpiya sa pagkain ang mukbang na kailangan anyang pag-aralan kung dapat magkaroon ng regulasyon dahil sa masamang maidudulot ng umano’y naituturo dito na sobrang pagkain na magdudulot ng obesity, hypertension at sakit sa puso. Ang panonood aniya ng mga katulad na videos ay maaring magresulta sa eating disorders dahil ginagaya ito at naeengganyo rin na gumawa ng mukbang blog upang kumita.

Sabi ni DOH spokesman Albert Domingo, maaaring tinutugunan ng mga mukbang videos ang kalungkutan ng ilang viewers pero nanghihikayat naman ito sa hindi malusog na kaugalian sa pagkain.

Maraming positibo at negatibong argumento sa Mukbang na ito. Hindi pa ako nakakapanood ng ganitong palabas pero meron itong potensiyal na makapagturo ng healthy lifestyle batay sa mga naglalabasang mga ulat hinggil dito.  Isa nga lang isyu kung dapat magpataw ang pamahalaan ng regulasyon sa pagpapalabas ng ganitong mga video dahil, ayon na rin sa DOH, nakakaadik din ito lalo na kung napakarami ng naiimpluwensiyahan nitong manonood.

Depende sa vlogger na nagpapalabas ang nilalaman ng Mukbang. Pero, dahil wala namang mga umiiral na  batas dito, sino man ay maaaring gumawa ng eating show sa internet. Hindi pinag-uusapan kung kailangan bang merong pormal na pinag-aralan hinggil sa pagkain ang food vlogger o karanasan dito na sapat para makapagbigay siya ng kaalaman sa pagkain. Hindi na ba kailangan ng permiso mula sa gobyerno ang pagpapalabas ng mukbang?

Gayunman, magandang paraan ang mukbang sa pagpapalaganap ng healthy lifestyle tulad sa tamang masusustansiyang pagkain. Hindi lang kung ano ang pampasarap sa pagkain, paano mabubusog, paano kakain nang tama at gaano ang dami ng pagkain na dapat kainin. May mga pagkaing nakabubuti at nakasasama sa kalusugan. Maaaaring hindi kasama sa mukbang ang isyu ng mga maralitang kapos sa pagkain pero maari naman itong magturo ng tamang pagkain na makatutulong sa pagpapalusog ng katawan.

-oooooo-

Email: [email protected]

MEDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with