^

Punto Mo

Maid of Honor (176)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, papasok na si Yana sa school nang may sabihin sa kanya si Ate Bianca. Nakatawa si Bianca.

“Ipakilala mo nga sa akin ang classmate mong nagligtas sa’yo, Yana. Gusto ko siyang ma-meet.”

Nagtawa si Yana.

“Akala ko kung ano na ang sasabihin mo, Ate, ha-ha-ha!’’

“Hindi ako nagbibiro, gusto kong makilala ang ‘hero’ mo.’’

“Sige Ate sabihin ko kay Ram.’’

“Ram ba ang name niya?’’

“Opo.’’

“Mukhang tigasin nga.’’

“Hindi naman po mukhang tigasin, Ate. Payat nga siya.’’

“Slim?”

“Opo.’’

“Sabihin mo gusto ko siyang makilala. Isama mo rito at kakaliskisan ko,’’  sabi ni Bianca at nagtawa.

“Parang manok na kakaliskisan mo, ha-ha-ha!’’

“Oo.’’

“Sige Ate. Papasok na ako.”

Nang makarating sa school, hinanap ni Yana si Ram. Wala ito. Baka na-late lang sa pagpasok.

Pero nag-bell na ay wala pa rin si Ram.

At saka naalala ni Yana, wala nga pala si Ram dahil nagbabantay sa ina nitong maysakit. Nalimutan niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with