^

Punto Mo

2024 PT5: ‘Bagong buwan’ ng daigdig?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon Bernardo - Pang-masa

Katawagan lang ang pagkakabansag sa 2024 PT5 bilang pangalawang buwan ng daigdig. Kung tutuusin, isa ito sa mga tinatawag na “near Earth object” na hindi naman mapanganib. Karaniwang tinatawag na asteroid ang karamihan sa mga NEO na ito. Tila eksaherado lang na tinawag itong second moon dahil gumagalaw ito. Ayon sa mga awtoridad, nahagip ng gravity ng Earth ang 2024 PT5 habang pumapailanlang sa kalawakan malapit sa mundo. Kasing laki ng school bus. Oorbit ito sa daigdig ng Setyembre 29 hanggang Nobyembre 25, 2024 bago kakalas at paiilanlang sa orbit ng araw.

Kung tutuusin, isang klase rin ng asteroid ang 2024 PT5 na natuklasan noong Agosto 2024 ng ATLAS project sa pamamagitan ng Sutherland Telescope sa South Africa. Ang ATLAS  na pinatatakbo ng Institute of Astronomy ng University of Hawaii ay robotic astronomical survey at early warning system na tumutunton sa mga NEO ilang linggo bago tumama sa daigdig. Una itong namataan ng astronomers ng Computense University of Madrid gamit ang mga telescope ng ATLAS. Hindi ito basta makikita ng tao o ordinaryong telescope dahil napakaliit.

Ayon sa pag-aaral, ang 2024 PT5 ay maaaring nagmula sa  isang  secondary  asteroid  belt na binubuo ng mga kometa  at asteroid at  ang orbit  ay katulad ng sa daidig. Muli itong mapapagawi sa Daigdig sa Enero 2025. Hindi ngayon lang nagkaroon ng pangalawang buwan ang daigdig bagaman pansamantala lamang.

Bukod sa 2024 PT5, may iba pang mga naunang NEO na naging pansamantalang buwan ng daigdig. Unang kinilala ang 2006 RH120 na kasinglaki ng kotse at apat na ulit umikot sa daigdig noong 2006-2007. Kasunod ang 2020 CD3 na tatlong taong namalagi sa daigdig bago kumalas sa gravity  noong Mayo  7, 2020. Naging magulo ang pag-ikot nito sa mundo dahil  sa epekto ng buwan. Meron pang dalawa, ang 1991VG at 2022 NX1 na hindi  tumagal sa gravity ng Earth.

Siguro, pantawag-pansin lang ang pagbabansag sa mga ganitong asteroid o NEO  bilang pangalawang maliit na buwan. Tila tinatabunan ang katotohanan na isa ito sa mga maliliit at malalaking bato na kilala sa tawag na asteroid. Dahil merong pagkakatulad ang galaw ng 2024 PT5 at ang buwan ng ating planeta, hinihinala ng National Aeronautics and Space Administation na ang asteroid ay malaking piraso ng bato na tumilapon  mula sa kalupaan ng buwan makaraang salpukin ng isang asteroid sa nakalipas na panahon.

-oooooo-

Email: [email protected]

ATLAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with