^

Punto Mo

Maid of Honor (174)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

INIWAN na nina Ram at Yana ang mga tanod at mga taong nag-uusyuso sa dalawang lalaki na nakalupagi sa semento at hindi makagulapay dahil sa bugbog. Ayon sa mga tanod mga dati na palang naaresto ang dalawang lalaki at mga nakulong na. Sila na raw ang magdadala sa mga ito sa pulis.

Habang naglalakad ay dama pa ni Yana ang takot sa dalawang lalaki.

Nanginginig pa ang katawan niya.

“Mabuti at dumating ka, Ram. Hindi ko alam ang gagawin kanina. Hinawakan na ako ng isa sa mga lalaki at hihipuan,’’ sabi ni Yana na gumaralgal pa ang boses.

“Nakita ko nga ang ginagawa sa’yo kaya nagmamadali ako sa paglapit.’’

“Mabuti at dito ka nagdaan. Paano kung hindi ka nagtungo rito?’’

“Patungo talaga ako sa school para magpaalam sa adviser natin na hindi ako makakapasok ng ilang araw.’’

“Bakit hindi ka makakapasok?’’

“Nasa ospital si Mommy—kailangan kong bantayan.’’

“Bakit naospital?’’

“May pneumonia.’’

“Ah.’’

“Yun ang dahilan kaya hindi ako nakapasok kanina—sinugod namin sa ospital si Mommy. Awang-awa ako sa kanya. Mula nang mamatay si Daddy, si Mommy na ang nagtaguyod sa aming magkapatid. Dalawa kaming magkapatid. Siguro dahil na rin sa pagod kaya nagkasakit si Mommy.’’

Maya-maya, nakarating sila sa inuuwiang condo ni Yana.

“Halika muna sa loob Ram at ipakikilala kita sa mga amo ko. Sasabihin ko na ikaw ang nagtanggol sa akin.’’

“Sa ibang araw na lang Yana. Kailangang makapunta ako sa school natin at makapagpaalam na hindi ako makakapasok.’’

“Sige, Ram. Salamat uli.’’

“Okey lang yun, Yana. Aalis na ako.’’

“Ingat ka, Ram.’’

“Bye Yana.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with