^

Punto Mo

EDITORYAL - Kinikita sa POGO, balewala kung ­nagugulo ang bansa

Pang-masa
EDITORYAL - Kinikita sa POGO, balewala kung ­nagugulo ang bansa

Maraming mambabatas ang nananawagan na ipatigil na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) dahil sa mga kontrobersiya at krimen na nauugnay dito. Nararapat nang suspindihin ang POGO operations sapagkat bukod sa krimen, banta rin ito sa seguridad ng bansa. Hindi naman nakatutulong sa ekonomiya ang POGO sapagkat hindi lahat sa mga ito ay nagbabayad ng buwis. Mga POGO lamang umano ang kumikita at hindi ang kaban ng bansa. May mga naghain na rin ng panukalang batas na nagpapatigil sa POGO sa bansa.

Nagsimula ang POGO noong 2017 sa panahon ni dating President Rodrigo Duterte. Inaprubahan naman ng mga senador ang POGO. Sabi ni dating President Duterte, nakatitiyak siya na makatutulong sa bansa ang POGO. Ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang nagbigay ng lisensiya sa mga POGO.

Pero nag-iba na ang panawagan ng mga mambabatas at gusto na nilang ipatigil ang POGOs. Ito ay kasunod ng mga nangyaring pagsalakay sa mga illegal POGO sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga. Hindi na online gaming ang ginagawa ng POGOs kundi iba’t ibang scams—crypto currency scam, love scam, investment scam at pati na human trafficking at prostitution.

Pumalag naman ang PAGCOR sa panawagang buwagin ang POGOs. Malaki umano ang kinikita nito—P20 bilyon taun-taon! Sabi pa ng PAGCOR, kapag binuwag ang POGOs, magsusulputan pang lalo ang mga illegal POGOs at lalong magkakaroon ng krimen. Hindi umano pagbuwag sa POGOs ang solusyon sa problema.

Sabi naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) na 22,000 Pinoy ang mawawalan ng trabaho kapag binuwag ang POGOs. Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, mala­king problema kapag binuwag ang POGOs. Hindi raw dapat isara ang mga lehitimong kompanya ng POGO. Maraming legal POGOs sa National Capital Region na ang naka-empleyo ay Pinoy.

Mahalaga ba ang kinikita sa POGO o ang ­kapanatagan ng bansa? Mula nang magsulputan ang POGOs, hindi natiwasay ang bansa. Naging abala ang Philippine National Police at iba pang ahensiya sa pagtugis sa illegal POGOs. Sa halip na ibuhos ng PNP ang atensiyon sa mamamayan, sa paghabol sa mga Chinese na nangingidnap, pumapatay at kung anu-ano pang krimen nauubos ang kanilang oras.

Mahalaga ba ang P20 bilyon na kikitain kung nagugulo naman ang mamamayan dahil sa POGOs? Aanhin ang pera kung wala namang katahimikan?

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with