^

Punto Mo

EDITORYAL - Isaayos na ang DepEd

Pang-masa
EDITORYAL - Isaayos na ang DepEd

Dumating at umalis sa Department of Education si Vice President Sara Duterte na batbat ng problema. Walang nalutas at nabago sa kabila na isa ito sa mga departamentong may pinakamalaking budget. Ngayong 2024, ang DepEd ay may P924.7 billion budget. Pumapangalawa sa Department of Public Works and Highways.

Sa kabila na may malaking pondo, sandamakmak ang mga problema sa DepEed at apektado ang kalidad ng edukasyon. Napag-iiwanan ang mga kabataang Pilipino sa maraming larangan. Maraming bata sa kasalukuyan na edad 8 ang hindi marunong sumulat at bumasa. Mas dumami ito noong panahon ng pandemya.

Taun-taon, problema ang kakapusan ng silid-aralan. Marami sa mga estudyante sa public schools ay napipilitang magdaos ng klase sa lobby ng school, comfort room na ginawang classroom at ang ma­tindi, sa lilim ng punongkahoy. Maraming estudyante ang siksikan na parang sardinas sa isang classroom dahilan para marami ang walang matutuhan sa itinuturo ng guro.

Problema rin ang kakulangan ng mga mahuhusay na guro. Maraming guro ang napipilitang mag-DH sa ibang bansa dahil mas malaki ang sahod dun kaysa maging guro. Hindi prayoridad ng pamahalaan ang pagbibigay nang mataas na sahod na narararapat lamang sa mga guro sapagkat sila ang humuhubog sa karunungan ng mga bata.

Kulelat ang mga estudyanteng Pinoy sa Science, Math at Reading Comprehension. Nakita ang nakadidismayang resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA). Nakita ang kahinaan ng mga Pilipinong estudyante kumpara sa mga estudyante sa 81 bansa. Sa resulta ng 2022 PISA, nakakuha lamang ng 355 points sa math, 356 sa science at 347 sa reading ang mga estudyanteng Pinoys. Para makapasa, kailangang ang score ay: 472 sa math; 485 sa science at 476 sa reading.

Sa pagbibitiw ni VP Sara, malaking hamon naman sa iuupong bagong DepEd secretary ang mga problema. Masusukat ang husay at talino ng kapalit ni Sara. Wala pang inihahayag ang Palasyo kung sino.

Ang matalinong pagpili sa susunod na DepEd secretary ay mahalaga. Hindi dapat basta-basta ang pagpili. Siguruhin na ang mapipili ay may kaalaman at sapat na pagmamahal sa edukasyon ng mga kabataan. Mahalaga rin na hindi pulitiko ang ilagay sa puwesto. Hindi kailangan ng pulitiko sa DepEd kundi isang edukador na may malasakit sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.

vuukle comment

DPWH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with