^

Punto Mo

EDITORYAL - PHL, natakawan sa kikitain sa POGOs

Pang-masa
EDITORYAL - PHL, natakawan sa kikitain sa POGOs

TINATAYANG P20 bilyon bawat taon ang isina­sampang kita ng Philip­pine Offshore Gaming­ Ope­rators (POGOs) sa bansa, ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor). Malaking­ kawalan umano ito sa bansa kapag sinunod ang pana­­wagan na itigil ang POGOs. At sabi pa ng Pagcor­, lalong­ darami ang illegal POGOs kapag itinigil ang operasyon. Kamakailan, pinalitan ng Pagcor ang pangalan­ ng POGO at ginawang Internet Gaming Licensees (IGLs). Kaya tuloy ang operasyon nito sa bansa kahit nagdu­dulot nang maraming problema. Mas mahalaga ang kikitain sa POGOs.

Kamakailan lang, umapela ang Chinese Embassy sa Pilipinas na ipagbawal na ang POGOs sa bansa. Maraming Chinese nationals ang nahuhumaling sa sugal at nasasangkot sa mga krimen. Ayon sa Chinese Embassy, tinatayang 3,000 Chinese citizens ang nauugnay sa krimen dahil sa POGOs mula pa 2018. Ayon sa China, tila kinukunsinti pa sa Pilipinas ang mga Chinese na gumagawa ng krimen. Maraming Chinese ang nalululong sa online gaming at gumagawa ng illegal gaya ng pangingidnap ng kapwa Chinese at saka ipatutubos ng ransom.

Ang pinakamabigat na sinabi ng Chinese Embassy, maraming opisyal ng gobyerno ng Pilipinas ang nasisilaw sa pera kaya nagpapatuloy ang operasyon ng POGOs. Sabi pa ng embahada, agarang ipagbawal ang POGO sa Pilipinas upang mabunot ang ugat ng bisyong ito na lason sa lipunan.

Tama naman ang sinabi ng Chinese Embassy na kaya dumami ang POGOs sa Pilipinas ay dahil naging­ palabigasan ng mga korap na opisyal ng pamahalaan. Dahil sa perang suhol ng mga nag-o-operate ng POGOs, nasisilaw ang mga mayor at iba pang LGU officials kaya hindi na nakikita, naririnig at naaamoy ang mga itinatayong POGO hubs sa kanilang nasasakupan.

Ang mga sinalakay na POGO hubs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga ay malinaw na katibayan na ginagawang “palaruan” ng mga masasamang loob ang Pilipinas. Ginagamit nila ang POGOs para sa Pilipinas maghasik ng kaguluhan. Kung ang China ay mahigpit ang pagtutol sa POGOs dahil masama ang sugal, dapat ganito rin ang Pilipinas. Huwag isapa­laran ang kaayusan at katahimikan ng bansa kapalit ng P20 bilyon na kikitain.

Magising sana sa katotohanan ang mga namumuno sa bansa para ganap nang ihinto ang POGOs. Gawin ito habang may panahon pa.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with