^

Punto Mo

Maid of Honor (149)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SIYANGA pala, Yana, wala ka bang balak na tumigil na sa pagiging kasambahay at umuwi na lamang dito sa atin at magtulong na lang tayo sa pagpapaunlad nitong resort?’’ sabi ni Inah.

“Hindi ko magagawang iwan sina Kuya Honor at Ate Bianca at ang mga bata, Inah. Napakabuti nila sa akin. At isa pa malaki rin ang utang na loob ko sa kanila dahil sila ang nagpursigi na mailigtas ka sa human trafficking katulong si Kuya Rocky. Kung hindi sa mag-asawa ay baka hanggang ngayon ay hindi ka pa nata­tagpuan at maaaring nag-e-exist pa ang sindikato. Sinuyod nina Kuya Honor at Kuya Rocky ang mga KTV club sa Pasay para ka makita at nagtagumpay sila—nailigtas ka sa kumunoy…’’

Napatangu-tango si Inah.

“Malaki nga rin pala ang papel nina Kuya Honor at Ate Bianca sa pagkaka-rescue sa akin. Hindi lamang pala si Kuya Rocky ang pinagkakautangan ko ng loob. Ipaabot mo ang pasasalamat ko. Magagantihan ko rin silang mag-asawa.”

“Sasabihin ko Inah.’’

“Salamat Yana. Pagdating nila mula sa foreign trip at dito naman sa resort sila magtungo.’’

“Hayaan mo at sasabihin ko. Tiyak mag-eenjoy sila at ang mga bata.’’

“Siguro pagnagtungo na kayo rito, malaki na ang improvement—baka may swimming pool na rin para lalo kayong mag-enjoy.’’

“Naku ang saya siguro, Inah. Sasabihin ko summer next year kami umuwi rito.’’

“Sige. Ipaghahanda ko kayo. Sasalubungin kayo ng banda ng musiko, ha-ha-ha!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with