^

Punto Mo

Maid of Honor (145)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

LUMUSONG sa dagat si Inah. Ito ang unang pagkakataon na naligo siya nang nag-iisa. Dati kapag naliligo siya sa dagat ay kasama ang kakambal na si Yana. Matagal nang nangyari ang huling pagligo nila ni Yana sa dagat—mga dalagita pa sila noon at nasa high school. Sa isang beach resort din sila naligo nun. Marami ang hangang-hanga sa kanila ni Yana sapagkat napakaganda nila. Alam nila, maraming kaklase nilang lalaki ang may lihim na may crush sa kanila. Dahil sila ni Yana ang pinakamaganda, sila ang laging muse sa school. Kapag may parada, sila ang kinukuhang baton leader.

Pero wala siyang magustuhan sa mga kaklase niyang lalaki. Ang pangarap niya ay magkaroon ng boyfriend na taga-Maynila. Mas gusto niya ay sosyal na lalaki at mayaman.

Si Yana, hindi niya alam kung ano ang tipo nitong lalaki. Walang nasasabi sa kanya si Yana. Malihim si Yana pagdating sa pag-ibig.

At biglang naisip ni Inah, mayroon na kayang boyfriend sa Maynila si Yana. Tatanungin nga niya ito. Tatawagan niya at ibabalita ang tungkol sa beach resort.

Paglusong ni Inah sa dagat, nanibago siya sa sobrang lamig. Hindi ganito ang tubig noong naligo sila ni Yana noon.

Sinubukan ni Inah na lumangoy.

Malalim ang napuntahan niya. Kinabahan siya. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with