^

Punto Mo

Employer, puwede bang kumuha ng new hire kahit may nasa floating status pa?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede bang kumuha ng bagong hire ang kompanya namin kahit marami kaming inilagay sa floating noong isang buwan lang? — Mike

Dear Mike,

Kailangang “in good faith” ang paglalagay sa inyo sa floating status at ang pagha-hire nila ng bagong mga empleyado. Masasabing “in good faith” o walang masamang hangarin ang inyong employer sa paglalagay sa inyo sa ilalim ng floating status kung iba ang trabaho ng mga bagong hire sa mga empleyadong nasa floating status.

Ayon sa Korte Suprema sa Innodata Knowledge Services Inc. vs. Inting (G.R. No. 211892, December 06, 2017), kapag inilagay sa floating status ang mga empleyado, ibig sabihin ay mas maraming manggagawa kaysa sa trabahong maaring ipagawa kaya walang dahilan ang isang employer na kumuha ng mga karagdagang empleyado kung mayroon pa siyang mga empleyado na nasa floating status pa.

Kung ang trabaho ng mga bagong hire sa inyong kompanya ay kapareho lamang ng trabaho n’yong nasa floating status pa, maaring ipagpalagay na hindi na “in good faith” ang paglalagay sa inyo sa floating status.

Maaring maging basehan iyan ng pagsasampa ng reklamo dahil may posibilidad na hindi na dahil sa kahinaan ng negosyo ang paglagay at pananatili ninyo sa floating status at ginagamit na lamang itong dahilan ng employer para kayo ay matanggal sa pamamagitan ng “constructive dismissal” o hindi diretsahang pagsisisante at upang makatakas sila sa mga obligasyon nila sa ilalim ng Labor Code.

vuukle comment

WORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with