^

Punto Mo

EDITORYAL — Siguruhin, trabaho sa magbabalik na OFWs

Pang-masa
EDITORYAL � Siguruhin, trabaho sa magbabalik na OFWs

Araw-araw, tinatayang 6,800 Pilipino ang uma­alis sa bansa para magtrabaho sa ibang bansa. Ayon naman sa Department of Migrant Workers (DMW) nakapag-deploy ang Pilipinas ng 2,330,720 land- and sea-based migrant workers noong nakaraang taon. Ito umano ang pinakamataas na naitala makaraan ang pandemya. Bago ang pandemya, nakapagtala ang DMW ng 2,156,742 OFWs na na-deployed.

Sa kasalukuyan, wala pang ipinalalabas na bagong tala ang DMW sa mga na-deployed ngayong 2024. Pero kahit hindi na magsagawa ng bagong pagsasaliksik sa dami ng mga umalis na OFWs, tiyak na marami ito at nalampasan ang dami ng nakaraang taon. Tiyak­ na dumami pa ang mga Pinoy na naghahangad makaalis sa bansa at makapagtrabaho abroad para magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Ang pagiging OFW ang tanging paraan para maiangat kahit paano ang buhay.

Nangungunang bansa na destinasyon ng Pinoys ay ang Saudi Arabia, UAE, Kuwait, Qatar, Hong Kong at Singapore. Marami ring Pinoys sa Italy, Britain, Israel at iba pang bansa sa Europe. Kamakailan lang, inihayag ng Germany na nangangailangan sila ng mga Pinoy nurses at caregivers.

Marami rin namang OFWs na edad 60 ang nanga­ngambang pauwiin na ng ilang bansa katulad ng Saudi Arabia. Naghihigpit na ang Saudi at lahat ng OFWs na naabot na ang 60-anyos ay awtomatiko nang tina­tapos ang kontrata. Problema ito ng OFWs na nagsabing malakas pa naman sila at kayang-kaya pang magtrabaho pero kailangan nang mag-finished contract dahil iyon ang nasa batas ng pinagtatrabahuhang bansa.

Pero may sagot dito ang gobyerno. Sabi ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. noong Miyerkules na palalakasin nila ang programa sa retraining ng mga nagbabalik na OFWs partikular ang nawalan ng trabaho o hindi na nakabalik sa trabaho dahil sa maraming dahilan. Sabi ni Marcos, marami sa OFWs ang nahihirapang maghanap ng trabaho sa kanilang pag-uwi. Ginagawa raw ng gobyerno ang lahat ng makakaya upang ma­isama silang muli sa lokal na manggagawa.

Sabi pa ni Marcos, tungkulin nilang maghanap ng trabaho para sa mga bumalik na OFWs. Binanggit din ni Marcos ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced workers (TUPAD) Project, isang programa para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho sa anumang dahilan.

Sana magkatotoo na may naghihintay na trabaho para sa mga magbabalik na OFWs. Sino ba ang ayaw na dito na lamang sa bansa magtrabaho para makapiling ang pamilya. At higit sa lahat makakaligtas pa sa pagmamalrato at pang-aabuso ang mga OFWs na humahantong sa kamatayan.

vuukle comment

DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with