^

Punto Mo

‘Niyog’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 2)

WALA akong hilig sa pagtatanim lalo na ng niyog na ipinag-uutos ng aming ama. Lima kaming magkakapatid na pawang lalaki. Para kay Tatay, ang niyog ang “puno ng buhay” kaya walang ibang itatanim sa aming malawak na lupain kundi niyog lamang.

Dahil pursigido ang aming­ ama na pawang niyog ang itatanim, tuwing Sabado at Linggo ay nagtatanim kami ng tig-sampung puno ng niyog. Lahat ng mga may puwang o namatay­ sa hilera ng niyog ay ka­ilangang taniman ng pa­ni­­bago. Ang itatanim namin ay ang tinatawag na tubuan. Ang tubuan ay mga bagong suwi niyog na kasingtaas ng hita. Kaila­ngang malalim at matibay ang pagkaka­tanim ng tubuan para hindi matumba. Maghu­hukay muna kami ng hanggang tuhod at saka itatanim ang tubuan.

Habang ang mga kapatid ko ay madaling naka­ka­­tapos sa pagtatanim ng sam­pung tubuan, ako ay lima lamang. Nawili kasi ako sa paliligo sa ilog na di-kalayuan sa aming niyugan.

Bagot na bagot ako sa pagtatanim ng niyog. Para sa akin, hindi mahalaga ang niyog. Wala akong interes.

Madalas akong ma­pagalitan ni Tatay dahil sa pagbalewala sa niyog na nagbibigay sa amin ng ikabubuhay. (Itutuloy)

vuukle comment

KARANASAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with