^

Punto Mo

Maid of Honor (118)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGPAKULO ng tubig sa isang kaserola ang itay ni Inah.

“Pakukuluin ko lang itong tubig, Honor. Umiinom ka ba ng kapeng barako na ang nilalagay ay brown sugar?’’

“Opo. Masarap po yan. Gustung-gusto ko po ‘yan.’’

“Ako nga pala si Itay Nado, Honor. Ang asawa ko naman ay si Inay Encar.’’

“Dalawa lang po ba ang anak ninyo Itay Nado?’’

“Oo. Pero sa atin-atin lang ito, Honor, ampon lang namin ni Encar ang kambal na sina Yana at Inah.’’

Napamaang si Honor. Kaya pala kapansin-pansin na matanda na ang mag-asawa at kabataan pa sina Yana at Inah.’’

“Alam po nina Yana at Inah na ampon n’yo lang sila?’’

“Oo. Hindi namin ipi­naglihim.’’

“Nasaan po ang mga magulang nina Yana at Inah?’’

“Pareho nang patay.’’

Napatango si Honor. Hindi na niya tinanong pa si Itay Nado kung ano ang ikinamatay ng mga magulang nina Yana at Inah.

Maya-maya, naluto na ang kape. Ang sarap ng amoy ng kapeng barako.

Nagsalin si Itay Nado ng kape sa mug. Kinuha ang lalagyan ng brown sugar sa cabinet.

“Magkape ka na Honor. Masarap sana ay may gatas ang kape pero madilim pa kaya hindi pa ako makakapaggatas ng baka.’’

“May gatasang baka ka Itay Nado?’’

“Oo. Dalawa ang ina­hing baka ko. Araw-araw ay dalawang litrong gatas ang nakukuha ko.’’

“Gusto ko po ang gatas ng baka Itay Nado.’’

“Hayaan mo at mamaya pagliwanag ay isasama kita sa paggatas ng baka. Paborito rin ni Inah ang gatas ng baka.’’

Humigop ng kape si Ho­nor. Masarap ang dating sa sikmura ng kapeng barako.

“Maiba ako ng usapan, Honor, bakit nga pala hindi ninyo kasama si Yana sa pag-uwi?’’

Ikukuwento na sana ni Honor ang lahat nang lumapit si Inah.

“Itay pahingi nga po ng kape. Humahapdi na ang sikmura ko.’’

“Teka sandali, pero wala pang gatas ng baka. Okey lang sa’yo?’’

“Opo Itay.’’

Ikinuha ni Itay Nado ng kape si Inah.

Magkatabing humigop ng kape sina Inah at Honor.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with