^

Punto Mo

Puwede bang humingi ng right of way?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede ba akong humiling ng right of way sa may-ari ng katabi kong lupa? Malayo ang iikutin para marating lang ang highway kung walang daan sa katabi kong lote. — Edna

Dear Edna,

Nakasaad sa Article 650 ng Civil Code na upang magkaroon ng “easement” o “right of way”, kailangang lubos na napapaligiran ang lote ng iba pang mga real properties kaya wala nang sapat na daanan papunta sa pinakamalapit na highway.

Kailangan din na hindi ang may-ari ng napapaligirang lote ang may dahilan kung bakit lubos na napaligiran ang kanyang property. Hindi maaring humingi ng right of way kung halimbawa ay dati namang sa kanya ang isa sa mga nakapaligid na lote ngunit ibinenta niya ito sa iba kaya wala na siya ngayong madadaanan palabas.

Kailangan din na ang babawasing kapirasong lupa na magiging right of way ay ang magdudulot ng pinakakaunting perwisyo sa pagkukunan na lote. At siyempre, kailangan ding mabayaran ng tama ang may-ari ng binawasang lote para sa kapirasong lupa na ginawang right of way.

Base sa nabanggit, nakadepende ang sagot sa tanong mo kung hindi sapat ang kasalukuyang daanan mo papunta sa highway para sa iyong mga pangangailangan. Kung sapat naman na ito sa pangangailangan mo at ang tanging problema mo ay malayo ang iyong iniikot, wala kang basehan para sa right of way dahil malinaw ang requirements nito sa ilalim ng Article 650 ng Civil Code.

Wala namang makapipigil sa iyo para makipag-usap at makipagkasundo sa may-ari ng katabing lote para magkaroon ka ng mas malapit na daanan papunta sa highway. Iyon nga lang, kung sakaling hindi kayo magkasundo at tumanggi ang may-ari sa kahilingan mo, malamang na mahihirapan kang patunayan sa hukuman na may karapatan ka sa right of way base sa nakasaad sa batas.

RIGHT OF WAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with