^

Punto Mo

Kabi-kabilang sunog malaking hamon sa BFP

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MATINDI ang init. Kabi-kabila ang mga nangyayaring sunog sa Metro Manila. Panay na panay ang pagdaan ng fire trucks. Ngayon lamang nangyari na nagkakasabay-sabay ang sunog. Ang problema, kinukulang ang dala nilang tubig. May mga resi­dente na nagagalit sa mga bumbero sapagkat kulang daw ang dalang tubig. Bakit daw hindi pinaghandaan? May mga bumbero na nakakatikim pa nang masasakit na salita sa mga residente. May pinapaboran umano. Inuunang bugahan ng tubig ang mga malalaking bahay kaysa mga maliliit. Sagot naman ng mga bumbero wala silang pinapaboran. Tungkulin daw nilang paglingkuran ang lahat nang mamamayan.

Malaki ang pasanin ng Bureau of Fire Protection (BFP) ngayong sunud-sunod ang sunog. Kapag nagkasunud-sunod ang sunog, kulang na kulang ang fire trucks kaya naman maraming nabi­biktima. Naaabo ang mga pinaghirapan. Kung sa Metro Manila ay may problema sa kakulangan sa fire trucks, mas matindi ang problema sa mga probinsiya. May mga probinsiyang wala ni isang fire trucks. Kawawa ang mga bayan at siyudad na walang fire trucks na reresponde sa biglaang sunog.

Sa report ng BFP noong nakaraang taon, 332 bayan at siyudad sa bansa ang wala ni isa mang fire trucks. Nangu­nguna sa mga lugar na walang fire trucks ay ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ayon sa BFP, may mga fire trucks ang ilang bayan at siyudad pero karamihan sa mga ito ay sira at hindi maaaring gamitin sa biglang pangangailangan. Umaabot umano sa 165 ang mga sirang fire trucks samantalang 97 ang nire-repair.

Noong Setyembre 2021, nilagdaan ni dating President Rodrigo Duterte ang Republic Act 11589 (Bureau of Fire Protection Modernization Act) na nag-uutos na magkarooon ng mga fire station, mga bagong kagamitan gaya ng firetrucks at iba pang modernong gamit para pamatay-sunog.

Noong 2022, inaprubahan ang P1.5 bilyon para sa pagbili ng fire trucks. Ang budget naman noong 2023 para sa procurement ng fire trucks ay bumaba sa P950 million. Ngayong 2024, umano’y nasa P1-bilyon ang budget,

Malaki ang budget ng BFP pero bakit kulang ang fire trucks. Bakit marami pa ring bayan ang walang firerucks. Nakakaawa ang kalagayan ng mga residente kung masusunugan sapagkat wala ni isa mang rerespondeng fire  trucks.

Hahayaan na lamang matupok ang mga ari-arian at buhay? Ipatupad ang BFP Modernization Act upang maisalba ang mga ari-arian at buhay sa sunog.

vuukle comment

BFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with