^

Punto Mo

Mga Pinoy, ­ suportahan si BBM sa usapin sa WPS!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

DAPAT suportahan ng mga Pinoy ang paninindigan ni President Bongbong Marcos laban sa China patungkol sa usapin sa West Philippine Sea. Consistent naman si BBM sa pagsasabing hindi niya isusuko sa China kahit isang pulgada ng teritoryo ng Pinas sa WPS. Kaya lang, imbes na mag-rally behind kay BBM ang mga Pinoy, abayyyyy may ilan pang kinukutya siya na hindi magandang tingnan, di ba mga kosa?

Kung ang United States, Japan, Australia at European countries ay nakipag-alyansa sa Pilipinas para pigilan ang pambu-bully ng China, bakit kayhirap para sa mga Pinoy na gawin din ito? Ang sakit sa bangs nito! Hehehe! Nais lang ni BBM na ipaglaban ang sovereignty ng Pinas sa WPS subalit panay negatibong kantiyaw pa ang iginaganti ng mga Pinoy sa lider natin. Saan ang hustisya?

Wala sa wisyo naman na paulanan ng fake news si BBM ng detractors niya dahil para sa mga Pinoy naman ang ipinaglalaban niya. Bilang lider ng bansa, natural lang na sagutin ni BBM ang mga isyu patungkol sa bansa, lalo na sa WPS, na atin ito ayon sa 2016 arbitral ruling. Hindi na dapat magtaka ang mga kababayan natin na pina-priority ni BBM ang pagsagot sa mga brickbats, kasama na ang “secret agreement” sa WPS dahil ang sovereignty nga ng Pinas ang nakataya, di ba mga kosa?

Imbes na batikusin si BBM, dapat hangaan natin s’ya dahil bilang respected leader ng bansa, iniisang tabi muna n’ya ang mga personal issues dahil wala namang patutunguhang maganda ang mga ito. Mismooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

“Proving his character’s strength, Marcos has the ability to weather the harshest vitriol hurled  against him. And he’s wise enough to ignore attacks that are false and best left unanswered. Cursing is not his style because he respects the presidency and the Filipino people,”’ ayon sa kosa ko.

“It is natural for the leader of the land to defend and articulate the national interest every time  it is threatened because that’s precisely his job. Anything short of it could be considered betrayal to the nation and our people,” dagdag pa niya. Get’s n’yo mga kosa? Sanamagan!

Kung sabagay, hindi naman namemersonal si BBM sa mga pahayag n’ya sa WPS dahil iginigiit lang niya na ayon sa batas at history ay atin ito. ‘Ika nga, transparent lang s’ya sa isyu. Mismooooo! Maliwanag lang na hindi sinasayang ni BBM ang oras n’ya at ng madlang people sa paggamit ng presidential pulpit para sagutin ang mga patutsada ng kanyang destabilizers. Eh di wow!

Subalit hindi magdadalawang isip si BBM para tawagin ang pansin ng sinuman na sangkot sa oppression laban sa mga Pinoy. Araguyyyyy! Maliwanag naman na ang lahat ng pahayag ni BBM sa isyu ng “secret agreement” ay “measured, responsible, and factual as befits the office he holds.” “That’s statesmanship at its finest,” anang kosa ko. Dipugaaaaa!

Sa totoo lang, malaking pakinabang sa kabuhayan ng mga Pinoy ang WPS na sakop ng EEZ ng Pinas dahil narito ang iba’t ibang klase ng isda at sea creatures. Subalit para sa China, strategic area ito para tayuan ng military outposts, airstrip, at communication facilities. Kapag nangisda ang mga Pinoy sa WPS, inaakusahan kaagad tayo ng China ng nananakop. Kung nagdala naman ng pagkain sa tropa sa Ayungin Shoal, sigaw kaagad ang China ng provocation. Wanakosey! Abangan!

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with