^

Punto Mo

EDITORYAL - Chinese students sa Cagayan, naghahatid ng agam-agam

Pang-masa
EDITORYAL - Chinese students sa Cagayan, naghahatid ng agam-agam

NASA 4,600 ang umano’y mga Chinese students sa mga unibersidad sa Cagayan. Nangungupahan ang mga ito sa mga bahay na malapit sa unibersidad. Ayon sa report, 2019 pa nang magsimulang dumagsa sa Cagayan ang mga Chinese student at marami na sa mga ito ang naka-graduate.

Ang presensiya ng mga Chinese students sa Caga­yan ay ikinabahala ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Nagsasagawa na ng pag-iimbestiga ang AFP ukol dito at nakikipag-ugnayan na rin umano sila sa Philippine National Police (PNP). Siniseryoso umano nila ang pagdagsa ng mga estudyanteng Chinese.

Nagpahayag din ng pangamba ang House of Representatives sa pagdagsa ng mga Chinese students at gusto nilang maimbestigahan ito. Sabi ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, nakaalarma na ang pagdagsa sa bansa ng Chinese workers, businessmen, tourists at ngayon naman ay mga estudyante. Nagsisimula na aniya ang pagsakop ng China sa Pilipinas.

Nakapagtataka naman kung bakit ngayon lang ito nabulgar gayung 2019 pa pala nagsimula ang pagdagsa ng mga estudyante. Paano naman nakalusot ang mga estudyante sa local officials ng Cagayan? Sabi ni Cagayan Governor Manuel Mamba, dokumentado ang mga estudyante ng Department of Foreign Affairs at may pahintulot ng Commission on Higher Education (CHED) ang pag-aaral ng mga ito. Idinagdag pa ni Mamba na hindi na kailangang magsagawa ng imbestigasyon ang House of Representatives ukol dito. Hindi naman daw banta sa seguridad ang mga estudyante at hindi dapat iugnay sa nangyaring tensiyon sa West Philippine Sea.

Hindi masisisi ang AFP kung maghinala na espiya ang mga estudyante lalo pa’t sa Cagayan sila nagsipag-aral at nanirahan. Dalawang EDCA (Enhanced Cooperation Agreement) sites ang nasa Cagayan. Isa sa Lal-lo Airport at Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana. Bakit sa dinami-dami ng EDCA sites ay Cagayan ang napili ng mga estudyanteng Chinese?

Ipagpatuloy ng House of Representatives ang balak na pag-iimbestiga sa pagdagsa ng Chinese students para malaman ang buong katotohanan. Naghahatid ng pangamba ang mga ito lalo ngayong nagkaroon ng “secret deal” si dating President Duterte at Chinese leader Xi Jinping. Dapat seryosohin ang nangyayaring ito. Baka magising na lang ang mga Pilipino na narito na sa bansa ang mas marami pang Chinese.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with