Life’s lesson
April 3, 2024 | 12:00am
- Nagiging mas attractive ka sa mata ng ibang tao kapag magaling kang magpatawa.
- Kung masaya kang humaharap sa ibang tao, masayang personalidad din ang ipapakita nila sa iyo. Iyang pagiging masayahin at malungkutin ay parang sakit, mabilis makahawa.
- Makikilala mo lang nang lubusan ang isang tao kung magkakasama kayo sa pagbibiyahe, kasama ka niya habang nagagalit siya, kapag nagkasama kayo sa iisang bubong at nagpautang ka o umutang ka ng pera sa kanya.
- Kaya nagkakaproblema tayong mga anak sa ating mga kamag-anak ay dahil hinayaan sila ng ating mga magulang na lumampas sa personal boundaries. Kasi nga, ‘yung matandang kaugalian na pakikisama ay inaabuso. Ang resulta, nagkakaroon tayo ng mga “bampirang” kamag-anak. Aabusuhin nila ang ating magulang, emotionally and financially hanggang sa maubusan ng dugo. Kaya ang ating henerasyon ang magsisimulang magturo sa mga kamag-anak kung paano rumespeto sa personal boundaries ng isa’t isa kahit ang kapalit nito ay awayin ka nila at layuan. Pero mabuti nga kung ganoon ang mangyari, tagumpay mong napalayas ang “masasamang ispiritu” sa buhay mo.
- Ang problema sa atin, kapag nakarinig tayo ng magagandang bagay tungkol sa isang tao, nagkakaroon tayo ng duda kung totoo iyon. Ngunit kapag nakarinig tayo ng masasamang bagay tungkol sa isang tao, walang kagatol-gatol na naniniwala tayo kaagad.
- Huwag maging istrikto sa sarili pagdating sa pagtatrabaho. Magpahinga kapag napapagod. Tumulog nang sapat. Kapag tayo ay nagkasakit at namatay, hindi ka magiging kawalan sa kompanya, madali ka lang palitan. Maraming nakaabang sa iyong posisyon.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Recommended