Life hacks and tricks
March 27, 2024 | 12:00am
- Huwag sobrahan ang pagngiti, nagpapakita ito ng pagsuko. Sakto lang dapat ang pagngiti.
- Huwag ilagay ang kamay sa bulsa habang naglalakad, nagpapakita ito na hindi ka open sa pakikipagkaibigan.
- Kapag nagsasalita, iwasang magsabi ng “umm…”. Maging marahan pero malinaw ang pagsasalita.
- Sa mga lalaki, ang pag-aahit ay hindi nakakabilis ng pagtubo nito, at lalong hindi nakakatigas ng tubo ng buhok. Nakakapogi lang ang pag-aahit dahil nagmumukha kang malinis tingnan.
- Ang cold shower sa umaga ay nakakabawas ng pamumula ng acne at pagtubo nito.
- Huwag gagamit ng pangkaraniwang bath soap sa paghihilamos ng mukha. Ito ang hindi ko makakalimutang bilin ng aking chemistry professor. Ginagamit lang ito na panghugas ng katawan at hindi sa kutis sa mukha na mas sensitibo sa chemicals ng bath soap.
- Kung pangarap mong yumaman, bumuo ka ng magandang relasyon sa alinman sa mga sumusunod: politician, accountant, banker, investor, mag-ari ng business establishments, at lawyer.
- Huwag babalikan ang babaing nagtaksil sa iyo.
- Huwag mong hayaan na bastusin ka ng babaing karelasyon mo. Kapag namihasa ‘yan, lagi niya itong gagawin hanggang sa ipagpalit ka sa ibang lalaki.
- Huwag makipagkamay nang nakaupo.
- Paano magmukhang “expensive”? Pangalagaan ang iyong buhok, kuko at kutis. Isuot ang damit na may neutral colors. Regular na linisin ang sapatos.
Don’t overshare. Privacy is power. Hindi ka masisiraan ng ibang tao kung wala silang nalalaman tungkol sa iyo. Gutumin mo sa impormasyon ang mga “Maritess”.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Recommended