^

Punto Mo

Psychology facts tungkol sa mga tao

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Ang mga taong mahiyaing makipagsosyalan sa ibang tao ang madalas na faithful at loyal sa pakikipagrelasyon.

• Ang mga lalaki ay mas malakas kumain kung mga babae ang kasama kapag nagda-dining out kaysa kung kapwa mga lalaki ang kasama.

• Kung may paniwala ka na in love sa iyo ang iyong idol (hinahangaang celebrities), malaki ang posibilidad na mayroon kang mental illness.

• Ang mga taong walang ganda ang madalas naniniwalang maganda sila at kung sino naman ang magaganda ang minamaliit ang kanilang kagandahan.

• Ang mga taong mabilis makahalata ng sarcasm ang magaling bumasa ng nasa isip ng iba.

• Ang mga taong kapag nagsalita ay maikli lamang ngunit mabilis ay mabuting magtago ng lihim na ipinagkatiwala mo sa kanya.

• Mas mabilis makahalata at bumasa ng nararamdaman ng ibang tao kung siya ay maraming kinikimkim na “guilt” sa sarili.

• Ang sobrang istriktong magulang ay nagkakaroon ng anak na magaling magsinungaling. Siyempre kung mula sa pagkabata ay pinarurusahan mo sila kahit sa munting pagkakamali, nadedebelop sa kanila ang pagiging malikhain sa pag-imbento ng mga palusot para makaligtas sa mapanakit ninyong parusa.

vuukle comment

PSYCHOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with