^

Punto Mo

Ang tunay na kahulugan ng tiyaga

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG lalaki ay mahilig magluto. Isang araw ay naisipan niyang mag-experiment ng kakaibang fried chicken. Kakaiba dahil tinimplahan niya ito ng 11 iba’t ibang klase ng herbs. Nang lutuin niya ang manok…aba, ibang klase…super sarap!

Nang nag-retired ang lalaki sa edad na 65 ay inialok niya ang kanyang fried chicken recipe sa iba’t ibang restaurants. Kung magugustuhan ang kanyang recipe, ang magiging kasunduan ay ganito: Babayaran siya ng restaurant ng 5 cents sa bawat piraso ng manok na maibebenta.

Sa kasamaang palad, rejected ang kanyang fried chicken recipe sa kauna-unahang restaurant na kanyang inalok. Magkaganoon pa man, hindi sumuko ang lalaki. Nakarating siya sa iba’t ibang lugar para lang ialok sa mga restaurants ang kanyang recipe.

Sa awa ng Diyos, may isang restaurant na tumanggap sa kanyang recipe. Ito ang ika-1,009th na restaurant na kanyang inialok. Ibig sabihin, mga 1,008 na restaurant ang nang-reject sa kanyang recipe.

Ang dami noon! Biruin n’yo, 1,008 restaurants ang nagsisi nang biglang mag-boom ang ngayo’y sikat na Kentucky Fried Chicken.

Ang matiyagang lalaki na nakaimbento ng masarap na fried chicken with 11 herbs ay si Colonel Harland Sanders. Simula noon, nagkasunud-sunod na ang mga restaurants na bumili ng recipe ni Colonel Sanders.

Taon 1963 ay may 600 nang restaurant ang nakabili ng kanyang recipe. Wala pang pangalan noon ang kanyang fried chicken. Naging Kentucky Fried Chicken lang ito nang bilhin ni Kentucky Governor John Brown ang recipe noong 1964.

Namatay na isang multi-millionaire si Sanders noong 1990.

“Success is the ability to go from failure to failure without losing your enthusiasm.”—Winston Churchill

vuukle comment

CHICKEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with