^

Punto Mo

EDITORYAL - Umaalingasaw pa ang Pharmally

Pang-masa
EDITORYAL - Umaalingasaw pa ang Pharmally

AKALA nang marami, tapos na ang kontrobersiya sa Pharmally Pharmaceutical Corp. Ito yung kompanya na may maliit na capital pero nakakuha ng kontrata sa Department of Health (DOH) para mag-supply ng COVID supplies at iba pang kagamitan sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM). Nakuha ng Pharmally ang 26.39 percent ng P42 bilyon na kontrata sa kabila na ang kanilang capital ay P625,000 lamang!

May nadagdag na personalidad sa kontrobersiya ng Pharmally at PS-DBM makaraang ipag-utos ng Office of the Ombudsman na sampahan ng reklamo si dating Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III. Bukod kay Duque, pinakakasuhan din si dating PS-DBM Undersecretary Lloyd Christopher Lao. Ito ay may kaugnayan sa illegal na paglilipat ng P42 bilyong pambili ng COVID-19 supplies at mga kagamitan noong 2020 habang may pandemya.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, dahil hindi na maaring ipataw pa ang dismissal kina Duque at Lao, ang kaparusahan na maaring­ ipataw sa mga ito ay katumbas ng kanilang suweldo ng isang taon na kailangang bayaran sa tanggapan ng Office of the Ombudsman. Sabi ni Duque, mag-aapela siya. Wala raw katiwaliang naganap.

Noong Agosto 2023, ipinag-utos na ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa puwesto at pagsasampa ng kaso laban kay Lao at Overall Deputy Ombudsman Warren Lex Liong dahil sa maanomalyang pagbili ng bilyong pisong halaga ng medical supplies sa Pharmally noong 2020.

Napatunayan ng Ombudsman na dapat sampahan ng kaso sina Lao at Liong at iba pang opisyal at em­pleyado ng PS-DBM. Kasama rin sa sinibak sa puwesto si PS-DBM procurement management officer Paul Jasper de Guzman. Kinuwestiyon noon ng mga senador kung bakit hindi kinasuhan ng plunder si Liong. Binatikos din kung bakit hindi kasama sa kinasuhan si dating presidential adviser Michael Yang, associate nito na si Lin Wei Xiong at asawang si Rose Lin. Si Yang ay presidential economic adviser ni dating President Rodrigo Duterte.

Ang Pharmally officials na kinasuhan ng Ombudsman ay sina President Twinkle Dargani, treasurer and secretary Mohit Dargani, directors Linconn Ong at Justine Garado at board member Huang Tzu Yen.

Ang iba pang PS-DBM officials na kinasuhan ng Ombudsman ay sina Christine Marie Suntay, Webster Laurenana, August Ylagan, Jasonmer Uayan at Krizle Grace Mago.

Umaalingasaw ang korapsiyon na kinasasangkutan ng Pharmally, PS-DBM at DOH. Subalit meron pang “malaking isda” na nasa likod ng anomalya. Ang isdang ito ang nararapat malambat.

vuukle comment

PHARMALLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with