^

Punto Mo

Isang Pasko na nabisto kong hindi totoo si Santa Claus

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Mula nang ako ay natutong magsulat, taun-taon akong sumusulat kay Santa Claus upang humingi ng regalo tuwing gabi na bisperas ng Pasko. Alinman sa dalawang bagay ang hinihiling ko kay Santa: scooter o walking doll.

Bakit ang mga iyon ang aking hinihiling? Hindi kayang bilhin ng aking mga magulang ang mga bagay na iyon. Matindi ang aking pananalig na maibibigay iyon sa akin ni Santa. Ang aking konsepto tungkol kay Santa ay parang fairy godmother ni Cinderella na maibibigay kahit ang pinakaimposibleng kahilingan.

Excited akong gigising sa araw ng Pasko. Nanlalabo pa ang aking mata sa muta; mamasa-masa pa ang aking bibig sa panis na laway; pero wala akong pakialam; patakbo kong pupuntahan ang kinaroroonan ng aking medyas na nakasabit sa dingding ng bahay…only to find out na walang laman ang aking medyas. Nganga ang beauty ko. Naroon pa rin ang sulat. Ganoon pa rin ang pagkakatiklop. Halatang hindi binasa ni Santa Claus. Natatandaan ko pa ang naramdaman ko noon, ‘yung bigung-bigo na may kahalong kurot sa puso.

Lalo akong naghihinanakit kay Santa kapag nagkita kami ng aking pinsan kinaumagahan at ipinagpaparangalan niya sa akin ang laruang ibinigay sa kanya ni Santa. Bakit ganoon, tanong ko sa aking sarili. Hindi ako niregaluhan ni Santa?

Magkasingbait lang naman kami ng aking pinsan. Pero ako na rin ang sumasagot, mahal kasi ang gusto kong regalo. Baka hindi nagbibigay ng mamahaling regalo si Santa. ‘Yung hiningi ng aking pinsan ay laruang kotse lang at pera. Ganoon lang ang iniisip ko para mabilis matanggal ang hinanakit ko kay Santa.

Magkaganoon pa man ay hindi pa rin ako nadadala na magsabit ng medyas at gumawa ng sulat tuwing Pasko. Naroon pa rin ang pag-asa na ibibigay pa rin ni Santa ang aking kahilingan. Isang gabi ng bisperas ng Pasko, nahuli kong inilalagay ng aking tiyo ang malaking kotseng laruan sa tapat ng medyas ng aking pinsan. Napangisi ako.

Nang inakala kong tulog na ang lahat, pinuntahan ko ang aking medyas at buong panggigigil na hinablot ko ito mula sa pagkakasabit sa dinding. Nabutas ang medyas. Sabay tapon sa basurahan, kasama ng aking paniwala tungkol kay Santa.

vuukle comment

SANTA CLAUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with