^

Punto Mo

Lumang pangaral ng matatanda  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG mga sumusunod ay pangaral ng matatanda noong unang panahon tungkol sa kagandahang asal ngunit naaangkop pa rin hanggang ngayon.

1. Huwag magpumilit pumunta sa handaan na hindi ka naman imbitado.

2. Huwag sumali sa usapan kung hindi mo alam ang puno’t dulo ng kuwento.

3. Huwag makisawsaw sa problema ng ibang tao kung wala ka namang kinalaman.

4. Kung nasa ibang bahay, huwag kang magtangka na buksan ang refrigerator nila. O, magbukas ng television o kung bukas na, ililipat mo ito sa ibang channel kahit pa immediate family mo ang may-ari ng bahay.

5. Kung nasa ibang bahay, doon ka lang maupo sa salas na tanggapan ng bisita at huwag magpagala-gala sa ibang bahagi ng bahay na parang inspector.

6. Manatiling nasa labas ng bahay kung hindi ka naman inaanyayahang pumasok.

7. Iwasang tumawag sa telepono o kumatok sa pintuan ng ibang tao kapag lampas na ng 10:00 p.m. maliban lang kung emergency.

8. Iwasang bumisita sa ibang bahay kapag oras ng tanghalian.

9. Kung hindi naman kailangan, iwasang makitulog sa bahay ng ibang tao. Kung wala silang extra space, bibigyan mo pa sila ng problema.

10. Kung binigyan ka ng permisong pumasok sa bedroom, iwasang upuan ang kanilang bed. Bukod sa unethical, taboo ‘yun sa Feng Shui. Sila ang tatablan ng bad effect at hindi ikaw. Kaya be considerate.

ARAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with